Kilalang aktres nag-emote muna bago nakipag-one night stand kay male star | Bandera

Kilalang aktres nag-emote muna bago nakipag-one night stand kay male star

Cristy Fermin |September 02,2018
facebook
share this

Kilalang aktres nag-emote muna bago nakipag-one night stand kay male star

Cristy Fermin - September 02, 2018 - 12:15 AM


HANGGANG ngayon ay bitbit pa rin ng isang kilalang male personality ang ginawang pagpapaasa sa kanya ng isang pamosong aktres na hindi na masyadong bata pero hindi pa rin naman katandaan.

Dalawang beses silang naging magkatrabaho, sa mga panahon ng breaktime ay nagkakakuwentuhan sila, hanggang sa naglabas na ng saloobin ang female personality sa lalaking personalidad.

Kuwento ng machika naming source, “Ikinuwento ng girl ang napakalungkot niyang nakaraan sa nakahiwalay niyang husband. Nagdusa raw siya talaga, sinikap niyang buuin ang relasyon nila, pero wala ring nangyari.

“Umiiyak pa si ____ (pangalan ng kilalang aktres) habang nagkukuwento, kaya natural lang na nakuha niya naman ang loob ng guy, hanggang sa naging madalas na ang naging pagsasama nila.

“One night, habang magkainuman sila sa isang bar, nagdesisyon ang girl na sumama sa male personality sa kanyang condo unit. Natural lang na may naganap sa kanila, alangan namang nagbasa lang sila ng komiks, e, ‘yun na ang pinakahihintay na pagkakataon ng male personality.

“Napatunayan ng guy na hindi naman pala lasing ang girl, alam na alam niya ang mga ginagawa niya, pati kung paano magiging masarap ang pag-akyat nila sa langit ng happiness ng guy.

“Nangako ang female personality na aayusin niya lang ang buhay niya, hindi raw siya puwedeng basta-basta makipagrelasyon nang hindi niya naaayos ang buhay niya.

“Pumayag naman ang lalaki, binigyan siya ng pagkakataon, pero nagulantang na lang ang guy nang malaman niya na meron naman palang ibang boyfriend ang girl.

“Ganu’n mismo ang nangyari, pinagsabay pala sila ng magandang aktres. Namamangka pala siya sa dalawang ilog, nagulat ang lalaki sa lakas ng loob niya. Hindi na sila nagkita pa uli pagkatapos ng kanilang sexual experience, parang wala lang sa girl ang nangyari sa kanila,” kuwento ng aming impormante.

Maganda ang aktres, parang hindi siya tumatanda, kung anu-ano ang mga ginagawa niyang wonders sa buhay niya ay walang nakakaalam kundi siya lang.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, gusto n’yo rin bang manirahan sa wonderland?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending