Komedyante wala na raw magic, tsugi sa bagong serye, pelikula | Bandera

Komedyante wala na raw magic, tsugi sa bagong serye, pelikula

Reggee Bonoan - September 01, 2018 - 12:15 AM

MARAMI ang nagtataka sa isang aktor kung bakit tila hindi na siya epektibo bilang komedyante. Hindi nagustuhan ng manonood ang nakaraang pelikula niya at sa katunayan ay mahina ito sa takilya kaya ilang araw lang itong ipinalabas.

Kasama rin sana sa isang comedy film at teleserye ang aktor pero dahil hindi nga kumita ang huli niyang proyekto ay pinalitan na siya ng isa ngaktor na hindi naman komedyante.

Ang saya-saya ng direktor ng pelikula noong nawala ang aktor dahil perfect daw ang ipinalit nila.

Panalo raw ang mga hirit ng aktor na ipinalit sa kilalang komedyante na good thing ay may ibang project na rin ngayon.

Sabi ng isang TV executive sa amin, “Baka depende rin kasi sa materyal o sa mga kasama niya. Hindi niya naitawid ‘yung pelikula. Baka kasi wala silang chemistry ng mga kasama niya.”

q q q

Isa pang pinag-uusapan ngayon ay ang tungkol sa aktor na sobrang lapad daw sa screen kaya dapat nang magbawas ng timbang.

Hirit pa ng kilalang TV reporter, “Kamukha na niya si _____ (male singer) dahil pareho silang malapad.”

Oo nga, medyo hawig nga ang dalawa, pero in fairness hindi naman din kasi artista ang singer kaya keri lang ang pagiging chubby, mas bagay sa kanya ang medyo malapad kaysa payat.

Itong si aktor ang dapat magbawas ng timbang lalo’t ilo-launch siya soon bilang bida sa pelikula. Pero balita namin, nagdadalawang-isip na ang isa sa producer ng proyekto dahil walang masyadong followers si aktor bukod pa sa wala ring pelikulang kumita at higit sa lahat, hindi siya kaguwapuhan at hindi rin kagalingang umarte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya kung kami ang tatanungin, humanap na lang sila ng ibang bibida sa pelikula dahil baka magsayang lang sila ng pera lalo na ngayong piling-pili lang talaga ang kumikitang Pinoy movies?

“Matagal pa naman, malay mo magbago ang isip ng producers, at humanap ng bida na mas may fan base,” giit sa amin ng TV reporter.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending