Lani umamin: Epektib ang sex bago mag-concert
NAIYAK ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha nang alalahanin niya ang isang bahagi ng kanyang journey bilang mang-aawit sa media conference ng “A Lani Morisette: Musical Journey” concert niya with Asia’s Phoenix na si Morissette Amon.
When asked kung ano ang maibibigay niyang reminder or warning kay Morissette sa pagbulusok pa ng kanyang singing career, naging emosyonal si Lani.
“You gonna go a long way, and it’s just, never, never forget that, ugh, bakit nagka-crack ang boses ko? Hindi talaga, never forget that, that was given to you,” ang sabi ni Lani na hindi na napigilan ang maiyak.
Pagpapatuloy pa niya, “God gave you that, all of us, all of our talents, all of our skills, are given from heaven. It was given to us, and anytime it can go away.
“It can be taken away from you in a snap. So, you just gonna be grateful and always acknowledge the One who gave you that. You have to be grateful all the time,” sabi pa ni Lani.
Kailangan daw humingi ni Morissette ng guidance and protection mula sa Diyos especially that she’s travelling a lot dahil nga left and right ang concert ng young Kapamilya singer sa ibang bansa at mahalaga na lagi siyang humihingi ng guidance and protection mula kay Lord.
“So, bakit nga ba (ako umiiyak)? Hindi kasi, kasi minsan nangyari na sa akin ‘yun. Na minsan kasi masyado na akong busy, alam mo ‘yun? Tapos nalilimutan ko nang, ‘Teka muna, hindi na ako (nakakaalala sa Diyos).’
Alam mo ‘yun? Minsan ganoon talaga, e.
“Minsan unti-unti ka nang lumalakad away from the One that you have to give priority too, ganoon.
Nangyayari ‘yun, e. Sana lang, hindi talaga dire-diretso makalimot, ‘yung ganoon,” reminder pa niya kay Morissette.
Inamin ni Lani na nangyari na raw kasi sa kanya ang ganoon. At nahihiya siya sa Diyos dahil sa ginawa niyang paglimot sa nagbigay sa kanya ng talent.
“Nakakahiya lang hindi mo ma-acknowledge ‘yung nagbigay sa atin ng biyaya. So, ‘yun. ‘Yun lang naman,” ag sabi pa ng singer habang pinapahid ang luha.
Ang “A Lani Morisette: Musical Journey” ay pamamahalaan ni Carlo Orosa at magaganap on Sept. 22 and 23 sa The Theater@Solaire.
May nagtanong din kay Lani kung meron ba siyang “rituals” na ginagawa before her concert.
Big no ba sa kanya ang pagkain ng tsokolate, uminon ng malamig na tubig and even having sex with her husband bago mag-perform on stage.
“Ay, ‘wag naman pati ‘yun (sex) bawal. Ha-hahaha! ‘Yun nga ang ano, e. Oo, hindi naman pampagana. Pero merong, uy, talagang nagpapaliwanag ako,” kasunod ang malakas na tawa ulit ni Lani.
“Hindi kasi, pero meron lang akong napansin na ganoon nga. Tapos ang ganda ng performance ko. Siguro, I don’t know. May scientific explanation kaya ‘yan. Meron actually na nari-release na, a certain hormone.
“Tsaka may findings din na, kunyari, after sex, makikita mo ‘yung glow. Even sa mga lalaki, iba ‘yung glow, iba ‘yung aura. For some reasons, I don’t know. ‘Yung stress, nawawala.”
Pero ‘yung tsokolate at lahat ng matatamis, she tries her best na iwasan ang mga ito bago sumalang on stage.
“Ang number one kasi na nakakapag-produce ng phlegm, (is) mucus. Matamis. Yes, sugar. Oh, my gosh! Tsokolate, gatas, keso, pork. Oo, pati dairy products,” lahad pa ni Lani. Alam na!
Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na ang “A Lani Morisette” dahil first time magsasama ang reyna at ang prinsesa ng biritan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.