NAKIKIPAG-ugnayan na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) upang matunton ang babaeng nag-Kiki dance challenge sa Edsa.
Ani MMDA spokesperson Celine Pialago, ipapatawag si Micha Anne Gabuten, na nag-viral ang video sa social media.
“Siya nga po ‘yun, si Micha Anne Gabuten. [We’re] coordinating with the NBI para sa address para alam namin [kung] saan ipapadala ang summon. Still working pa po. Kasi hindi mahanap sa CCTV, kasi we have to review the CCTV whole day kasi walang time and date na nakalagay,” sabi niya.
Idinagdag ni Pialago na nahaharap si Pialago sa P500 multa para jaywalking habang papatawan naman ang driver ng P500 multa dahil sa reckless driving.
“If the driver was the one who took the video, a violation of the Anti-Distracted Driving Act will also be handed out,” dagdag ni Pialago.
Matapos mag-viral ang post, tinanggal ni Gabuten ang kanyang post at nag-deactivate na rin ng kanyang mga social media accounts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.