Formalin hindi nakita sa sinuring galunggong
WALANG nakitang formalin, isang kemikal na ginagamit sa mga patay para hindi mabulok, sa galunggong na sinuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Department of Agriculture.
Mayroon namang mababang lebel ng formaldehyde sa mga ito. Ang formaldehyde ay isang kemikal na natural na nabubuo sa mga patay na isda.
Ang pagsusuri ay isinagawa sa mga galunggong na ibinebenta sa Balintawak Market, Cubao Farmer’s Market, at Navotas Fish Port noong Agosto 22.
“The public is assured that in collaboration with other concerned government agencies, the DA-BFAR will continue to remain vigilant in ensuring that all fish commodities that are sold in the markets, either locally sourced or imported, are safe and free from any harmful substances,” saad ng BFAR.
Tiniyak din ng BFAR na susuriin ang mga imported na galunggong na darating sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.