Sa wakas, nagkaaminan na: Joshua, Julia 1 year na ang relasyon | Bandera

Sa wakas, nagkaaminan na: Joshua, Julia 1 year na ang relasyon

Dominic Rea |August 24,2018
facebook
share this

Sa wakas, nagkaaminan na: Joshua, Julia 1 year na ang relasyon

Dominic Rea - August 24, 2018 - 06:02 PM

SA wakas umamin na si Julia Barretto na halos isang taon na ang relasyon nila ni Joshua Garcia.

For the past two days ay humahataw sa ratings game nationwide ang primetime teleserye nilang Ngayon At Kailanman sa ABS-CBN.

Sa pilot airing nito last Monday, umariba sa 31.2% ang seryeng kasalukuyang pinupuri sa social media dahil kakaiba raw ang materyal na ito mula Star Creatives.

Nitong Tuesday naman ay nakakuha ng 30.5% ang programa kaya naman tuwang-tuwa ang JoshLia. After four successful movies together ay natupad na rin ang pangarap ng dalawa na mabigyan sila ng teleserye together.

Actually, no doubt about their acting, parehong magaling sina Julia at Joshua kaya naman sa pagharap nila gabi-gabi sa mundo ng telebisyon ay ramdam na nila ang buong suporta ng kanilang fans and followers.

Ang isa pa sa gustung-gusto ko sa magka-loveteam ay ang pagiging totoo nila sa isa’t isa! Very real na angkop sa salitang what you see is what you get.

During the blogcon/pilot viewing last Monday na ginanap sa Dolphy Theatre Plaza ng Kapamilya Network ay may ipinabasa akong tanong secretly sa dalawa. Nung mabasa ito nina Julia at Joshua, agad umamin sa akin ang dalaga.

“Yes! Almost a year already na kami ni Joshua,” ang walang kiyemeng pag-amin ni Julia habang ipinasa niya naman kay Joshua ang tingin sabay bulong. Ayun. Ngumiti naman sa akin si Joshua sabay kindat!

Ang tanong ko kasi ay kung ilang months na silang official na magdyowa, and that’s it! Julia nailed it. Alam na! Kaya naman pala ganoon na lang mag-public display of affection ang dalawa, one year na pala sila.

And i think, personally, wala namang problema at walang masama. Yun lang namang makikitid ang utak ang nangnenega sa kanila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Totoo yung sinabi ni Joshua, mahirap pigilan ang totoong nararamdaman dahil kapag pinigilan mo yun, it’s not real anymore!

Anyway, napapanood gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Primetime Bida ang Ngayon At Kailanman right after Ang Proibinsyano!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending