Regular check up hindi dapat balewalain | Bandera

Regular check up hindi dapat balewalain

Susan K - August 24, 2018 - 12:10 AM

KUNG anong bilis ng takbo ng makabagong panahon, siya rin ang bilis ng pagdapo ng mga sakit na di inaasahan.

Napakaraming mga OFW sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nangamamatay dahil sa sakit.

Tulad na lamang sa bansang Hongkong, halos sunod-sunod ang naitalang kamatayan ng mga kababaihan nating OFW doon dahil sa sakit at mga atake sa puso.

Kaya ito naman ang iminungkahi ni Labor Attache’ Nida Romulo ng Hongkong na kailangang regular na magpa check up ang ating mga OFW.

Sa totoo lamang, hindi talaga nagpapa-doktor ang ating mga OFW sa abroad. Mag pagka-feeling Superman at Superwoman sila. Puwede ring in-denial at takot malaman na may sakit sila kung kaya’t hindi na nagpapatingin sa mga manggagamot.

Para naman sa iba nating kababaihan, hihintayin na lamang nilang magbakasyon sa Pilipinas o di kaya’y matapos ang kanilang mga kontrata at saka lamang sila magpapa-check up.

Sabi nga ni Atty. Dennis Gorecho, maritime lawyer ng Bantay OCW, maging ang mga seafarer, binabalewala rin ang anumang mga nararamdaman habang nasa barko.

Sabi ni Gorecho, napakahalaga pa naman na naire-record sa kanilang log book doon ang anumang naramdaman ng isang marino habang naglalayag.

Mahalaga umano iyon pagdating sa kanilang mga money claim kapag nagkasakit na sila at kailangang habulin ang kanilang mga insurance company.

Ayon naman kay Dr. Ernie Baello, cardiologist ng Philippine Heart Center at National Kidney & Transplant Institute, hindi na dapat hintayin pa ng isang pasyente na siya’y atakehin o makaramdam ng mga mahihirap na kalagayan pagdating sa kanilang mga kalusugan. Sa pamamagitan ng regular check-up, sa panahon na walang dinaramdam at malusog ang isang tao, sabi ni Baello, mababantayan ang anumang posibleng mga pag-atake at mga sakit na maaaring dumapo sa tao.

Mamomonitor din ito sa pamamagitan ng regular na pagpapa-eksamin ng kanilang dugo, sugar at iba pang mga laboratory test upang malaman kung kailangang kontrolin ang pagkain at baguhin o ihinto pa nga ang mga nakasanayan na at siyang nagdudulot ng matinding epekto sa kanilang mga kalusugan.

Sa mga puntong ito, ayon kay Baello, bininigyan na nila ng maintenance medicine ang kanilang pasyente upang makontrol ang pagtaas ng kaniyang cholesterol o blood sugar. At magagawa lamang ito,
sabi ni Baello kung may regular na check up ang isa.

Tama si Labor Attache Romulo. Bilang isa ring babae at ina, hinihimok ni Romulo na magpa-check up ng regular ang ating mga OFW.

Tatandaan sana nila na dahil sa pagtataglay ng mabuting kalusugan kung kaya’t nakakapanatili sa kanilang mga trabaho sa abroad ang ating mga OFW.

Huwag panghinayangan ang kaunting salaping gugugulin sa pagpapa-check up. Magdudulot ito ng kapanatagan ng isip at makapananatiling may mainam na kalusugan sa panahon ng pangingibang bayan.

Palaging pakaisipin na tangi lamang kung malusog ang pangangatawan o physically fit ang isang OFW kung kaya’t puwede siyang magtagal at makapagtrabaho sa ibang bayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending