KathNiel 5 years na, umaasang forever na ang relasyon | Bandera

KathNiel 5 years na, umaasang forever na ang relasyon

Ambet Nabus - August 24, 2018 - 12:01 AM

NANGANGAMOY box-office hit na naman ang latest movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “The Hows Of Us” under the direction of our tugang-kumareng Cathy Garcia-Molina.

Ibang pag-level up nga ang ipinagmamalaki ng pelikula dahil bukod sa mas mature na ang role ng KathNiel, ipinagawa sa kanila ang mga eksena na tutugma sa kanilang aktuwal na edad.

Sey ni Mareng Cathy, “Kapag kasi kabisado na ninyo ang isa’t isa sa dami ng mga projects na ginawa at pinagsamahan ninyo, talagang kayo na ‘yung maghahanap ng bago at magtatanong kung ano pa ba ang kaya nilang gawin.”

Isa nga sa ipinagkakapuri ni direk Cathy ay ang pagiging game nina Kathryn at Daniel sa lahat ng ipinagawa niya.

“With very minimal directions, hindi sila maarteng kunan sa mga eksenang kung noong five years ago ay never talagang babagay sa kanila,” sey nito.

Kailangan daw abangan ng kanilang mga fans ang mga romantic and confrontation scenes nina Kath at DJ na akmang-akma na sa edad nila ngayon.

q q q

Ang “The Hows Of Us” ang magsisilbing “breaker movie tandem” ng KathNiel bago sumalang si Kathryn sa reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

May pagkakaabalahan din si Daniel na ibang project, but it doesn’t mean na mabubuwag na ang napakalakas nilang loveteam.

In fact, todo-suporta nga ang bawat isa sa kanilang individual projects dahil sabi nga ni Kathryn, “Hindi naman po siyempre forever na kami lagi ang magka-partner. In order for us to grow at mas maging competent pa as an artist, kailangan po naming mag-try ng bago at makatrabaho ang ibang artists.”

Last Wednesday nga, sumalang bilang guest Star Patroller sa TV Patrol si Kath. And yes, nasa tabi-tabi lang ang mas kinakabahang si Daniel na proud na proud sa kanyang GF. May mga nagtanong tuloy kung ganu’n din daw ba ka-nerbyos o ka-proud si DJ nu’ng ang nanay naman niya ang minsang maging Star Patroller?

Basta sa personal level ng relasyon nila ni Kathryn, aminado si DJ na mas lalo silang naging close at mas nakikilala pa nila ang isa’t isa nang higit pa sa magkaibigan o magka-loveteam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napag-uusapan na rin daw ng tinaguriang King And Queen of Hearts ang kasal pero matagal pa raw itong mangyayari. Siyempre, umaasa rin ang magka-loveteam na sana’y sila na nga ang “forever” ng isa’t isa.

“‘Yun naman talaga dapat ang puntahan namin (kasal). Pero hindi pa natin alam. Depende kung kaya na, pero ayoko ng late,” sabi pa ni DJ.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending