Mike naghahanda na para sa heart bypass operation: 'Babalik po ako!' | Bandera

Mike naghahanda na para sa heart bypass operation: ‘Babalik po ako!’

- August 24, 2018 - 12:25 AM

MARAMING nagulat sa rebelasyon ng batikang broadcast journalist na si Mike Enriquez tungkol sa pinagdaraanan niyang pagsubok na may kinalaman sa kanyang kalusugan.

Inamin ni Mike na meron siyang sakit sa kidney at kailangan din siyang sumailalim sa heart bypass operation ngayong darating na September. Kasabay nito, ilang netizens naman ang nagsabing ipagdarasal nila ang Kapuso news anchor na malampasan ang kanyang health problem.

Napilitan nang mag-issue ng opisyal na pahayag si Mike dahil napakarami nang nagtatanong sa pamunuan ng GMA kung bakit hindi na siya napapanood sa mga news programs ng Kapuso Network, pati na rin sa DZBB.

Narito ang kabuuan ng official statement ni Mike Enriquez tungkol sa kanyang kundisyon: “Ito po ay tugon sa dumadaming katunungan kung bakit matagal-tagal na akong wala sa mga programa sa radyo at telebisyon na aking pinaglilingkuran.

“Ako po ay kasalukuyang naka-medical leave. Ginagamot ang aking kidney at ako ay nakatakdang sumailalim sa operasyon sa puso sa Setyembre. Ayon sa aking mga doctor, makababalik ako sa aking normal na trabaho mga dalawa hanggang apat na linggo pagkatapos ng operasyon.

“Pinayuhan ako na magpahinga at magpalakas para makaiwas sa anumang emergency hanggang ako ay maoperahan. Habang wala ako sa himpapawid, patuloy kong tinutupad ang aking mga responsibilidad bilang president ng RGMA Network, Inc. at bilang Consultant For Radio ng GMA Network, Inc..

“Nagpapasalamat po ako sa mga nagpahayag ng suporta at lalo na sa mga nagdarasal para sa aking paggaling. Magagaling at maalaga ang aking mga doctor at napakabait at mapagmahal ng Poong Maykapal!

“Babalik po ako!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending