Panliligaw ni Bryan kay Erich fake news: Hindi pa kami magkakilala! | Bandera

Panliligaw ni Bryan kay Erich fake news: Hindi pa kami magkakilala!

Julie Bonifacio - August 20, 2018 - 12:05 AM

ITINANGGI ni Bryan Revilla ang balitang nililigawan niya si Erich Gonzales nu’ng makausap namin ang panganay na anak nina ex-Sen. Bong Revilla at Bacopor City Mayor Lani Mercado sa formal ceremony para sa pagbubukas ng ikalawang Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Si Erich ang bida at isa sa mga producer ng “We Will Not Die Tonight” na official entry sa PPP. Ang director nito na si Richard Somes ay kaibigan ni Bryan at director din ng “Tres”, ang movie nila ng mga kapatid na sina Jolo at Luigi Revilla.

“Hindi totoo ‘yun. Alam mo hindi pa kami nagkakakilala nu’n. Nabasa ko ‘yung article na ‘yun. Sabi ko, ‘Hoy, close na close.’ Sabi ko, hindi. We haven’t met,” paglilinaw ni Bryan.

Naugnay si Bryan kay Erich dahil balitang magpapa-block sreening siya para sa “We Will Not Die Tonight.”

“Hindi,” bwelo niya. “Yung sa akin naman support ko kay Direk Richard. Support ko na rin kina Erich at sa lahat because it’s a really good film, and I want to share this to my friends and my family.”

Say namin kay Bryan, single ang Kapamilya actress sa pagkakaalam namin, “Well, I don’t know. I haven’t met her, to be honest. Sa premiere night nga hindi kami nag-abot,” ngiti niya.

Anyway, present din si Bryan sa PPP opening ceremony para magbigay ng suporta kay Direk Richard. Naging director ni Bryan si Direk sa pelikulang “Exodus” noong 2005.

“Ang istorya namin ni Direk Richard was like this. Nu’ng una i-naarbor na niya ako sa tatay ko, e. Sabi niya, ‘Kukunin ko na ‘yang anak mo. Igu-groom ko. Gagawa kami ng pelikula.’ This was 12 or 13 years ago. ‘Di ba ‘yung ‘Exodus’ 2005, I didn’t know that it will took 13 years before we can get to work together again.”

Nasa post production na raw ang “Tres” and they’re finishing and polishing everything dahil may playdate na raw ang pelikula nila sa October.

Tinanong din namin si Bryan if true na posibleng makalabas na ng PNP Custodial Center ang Papa Bong niya next month, “Yes. Well, we’re hopeful that he gets out but then again, nasa kamay ng mga justices natin ‘yan. So, we’re praying for the positive results.”

Magandang birthday gift ‘to for ex-Sen Bong if ever makalabas na siya next month.

“Yes, I hope that it will happen. It’s been my wish ever since. And nakapahirap din na hindi kami buo na pamilya. Na hindi namin nagagawa ‘yung mga normal na bagay na ginagawa ng ordinaryong pa-milya. And for us I just hope that we can get to be a family again,” dagdag ni Bryan.

Bilang panganay na anak nina Bong at Lani, ramdam ni Bryan ang responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat.

“Well, the fact na hind namin kasama sa bahay si Papa, yes of course. I feel very liable kung ano ‘yung mga kailangang gawin na programa pero wala si Papa. But still, we still see each other on a regular basis. Nakakapag-usap naman kami every now and then and ‘yun, okey naman,” diin ni Bryan.

q q q

Successful ang ginanap na formal opening ceremony ng Pista Ng Pelikulang Pilipino sa pangunguna ni Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Dino na ginanap sa Samsung Hall, SM Aura last Tuesday.

May representative from the producer down to the members of the cast ang bawat official entry na napili starting with “Bakwit Boys,” “Signal Rock,” “Madilim Ang Gabi,” “Pinay Beauty,” “Unli Life,” “The Day After Valentine’s,” “Ang Babaeng Allergic sa Wifi” at “We Will Not Die Tonight”.

Present din ang bida sa opening film titled “White Slavery” directed by Lino Brocka na si Sarsi Emmanuelle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama ni Sarsi sa event ang dalawa niyang anak na babae. Siyempre pa, sentimental si Sarsi na mapanood ang kanyang digitally-restored film.

PPP is a nationwide week-long celebration where all movie theaters will exclusively screen Filipino films in line with the Buwan ng Wika simula Aug. 15 hanggang 21. Sugod na sa mga sinehan at suportahan ang ating mga pelikulang-lokal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending