Vice Ganda napamura, pinagtripan nina DJ Chacha at Hashtag Nikko: Na-stress ako!!!

By Alex Brosas August 18,2018
share this

Vice Ganda napamura, pinagtripan nina DJ Chacha at Hashtag Nikko: Na-stress ako!!!

By Alex Brosas August 18,2018
share this

VICE GANDA

NAG-GUEST si Hashtags Nikko Natividad sa “Heartbeats” show ng MOR 101.9 para mag-promote ng
“Bakwit Boys” na Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Siyempre, may gimik siyang ginawa. DJ Chacha asked him na gumawa ng prank call. Itong si Nikko naman, game na pumayag at agad-agad na tinawagan si Vice Ganda.

Siyempre, sinagot ni Vice ang tawag ni Nikko who revealed his problem, “Ikaw lang ‘yung naisip ko pagsabihan, kasi feeling ko, ikaw ‘yung makakaintindi.”

“Nahihirapan na kasi ako, e. Ate Vice, hindi ko alam kung bi ako o ano. Nahihiya ako, pero nahihirapan na ako sa gender ko. Hindi ko masabi kung bakla ako. Naguguluhan ako.”

‘Yan ang litanya ni Nikko sa Unkabogable Star. Bagama’t medyo na-shock, pinayuhan ni Vice si Nikko.

“Alam mo kasi, kahit sabihin mong hindi naman dapat, kung iyon ‘yun, iyon ‘yun. Wala kang magagawa. Ang tanging magagawa mo lang ay tanggapin mo ang sarili mo at mahalin mo ang sarili mo. Hindi puwedeng hindi mo ‘yan matanggap. There’s nothing wrong with it. Walang mali. Hindi ka mali. Hindi siya mali,” say niya sa “Bakwit Boys” star.

“Don’t be afraid. Don’t be sad. Nothing is wrong with you,” dagdag pa niya.

A few hours later, may nakapagsabi kay Vice na it was a prank call kaya naman nag-tweet siya ng, “S***! I was pranked! Mga p****** kayo @mor1019chacha @hashtag_nikko! Na-stress ako!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending