Kris sa politika: Wala akong problema sa ‘SALN’ dahil sa malinis galing ang pera ko!
HINDI pinalagpas ni Kris Aquino ang pambu-bully sa kanya ng isang basher who said, “The great example of humanitarian is Mother Teresa. Ano yan publicity stunt? @krisaquino Takbo ka na lng mayor ng QC. Post ka ng post ng pagtulong mo. Gayahin mo na lng ang life ni Mother Teresa of Kolkata.”
“Do the political math – in a crowded field of candidates NAME RECOGNITION will matter. Kung campaign funds ang labanan – di rin naman ako magpapahuli – wala akong utang kaya kakayanin kong pondohan ang sarili ko. And an important plus for me – I have 32 years of BIR tax records that can prove how trustworthy I am about money dahil alam kong ang pera ng bayan para sa bayan.
“Kaya kong hamunin lahat ng ibang kandidato na maglabasan kami ng ITR para magkaalaman na. Sure akong wala akong magiging problema sa SALN declaration dahil sa malinis na paraan kinita ang pera ko. Next point – wala nang bahong puwedeng mahalungkat dahil ang buong kuwento ng buhay ko alam ng buong Pilipinas. Wala ring asawang kailangan panagutan ang mga posibleng gawin.
“DO NOT BULLY ME. Let’s not forget – I will also have the best possible adviser when it comes to good governance – my BROTHER. So the city will get the best of both – VAST EXPERIENCE & transparency – hate to say it but that’s an unbeatable combination.
“WAIT KA LANG. I have the next 2 months to decide. Kung trip nyo kong bwisitin – you may get your worst nightmare come to life. Yan ang problema – yung kusang tumutulong hinuhusgahan.
“Yung mga nakaposisyon na nanunungkulan ngayon naghahanap ng pwedeng ma-bully. YOU ARE MESSING WITH THE WRONG WOMAN. Our family is used to battling and slaying giants. So it would serve your personal interest to let me be – because you don’t want to mess w/a warrior at rest. Because she can so versy easily become the victorious david to your pitiful Goliath,” litanya pa ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.