Hugot ni Marvin sa HOV: Mga single kailangan na nating maging double! | Bandera

Hugot ni Marvin sa HOV: Mga single kailangan na nating maging double!

Ervin Santiago - August 17, 2018 - 01:05 AM

MARVIN AGUSTIN AT ANG MGA ALAGANG ASO

Maraming nag-like at nag-share ng ipinost ni Marvin Agustin sa Twitter at Instagram ng litrato ng kanyang pitong aso na kasama niya sa loob ng sasakyan.

Caption niya sa photo: “In compliance with @MMDA single passenger policy… pwede ba yan???”

May koneksyon ang post ni Marvin sa mainit na isyu tungkol sa High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme ng Metropolitan Manila Development Authority o ang pagbabawal ng driver-only cars sa EDSA.

Aprubado na ang HOV ng mga Metro Manila mayors na bumubuo ng Metro Manila Council (MMC) ng MMDA. Ito’y para mabawasan daw ang traffic sa Soutbound at Northbound lanes ng EDSA tuwing rush hours.

Nitong nakaraang Miyerkules nagsimula ang dry run ng HOV (hanggang Aug. 22). Magmumulta ng P1,000 ang mga lalabag dito. Sa unang araw ng dry run ay mahigit 3,000 motorista ang nahuli ng mga traffic enforcer.

Sinagot naman si Marvin ng MMDA ng, “Hindi po. #mmda.”

Tugon naman ng Kapuso actor, “Okay po… mga ‘SINGLE’ isip na ulit tayo ng ibang paraan… kailangan na natin maging double!!!”

Kung matatandaan, naging mainit na usapan sa social media ang isyu sa HOV, may mga kumontra rito pero marami rin ang sumang-ayon.

Hugot naman ng mga single, unfair naman daw sa mga tulad nila ang bagong traffic scheme ng MMDA na siya ring hugot ni Marvin at ng iba pang celebrities na walang mga dyowa. – EAS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending