Huling bakbakan sa Your Face Sounds Familiar Kids | Bandera

Huling bakbakan sa Your Face Sounds Familiar Kids

Ervin Santiago |August 17,2018
facebook
share this

Huling bakbakan sa Your Face Sounds Familiar Kids

Ervin Santiago - August 17, 2018 - 12:30 AM

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR KID 2: ESANG, SHEENA, KRYSTAL, CHUNSA, MARCO, TNT BOYS, ONYOK AT NOEL

Magaganap na ang huling bakbakan ng walong kiddie performers na maghaharap-harap upang maiuwi ang pagkapanalo sa inaabangang grand showdown ng Your Face Sounds Familiar Kids ngayong Sabado at Linggo (Agosto 18 at 19) sa UP Theater.

Sama-samang sasalang sina Sheena Belarmino, Esang de Torres, Krystal Brimner, Chunsa Jung, Marco Masa, Noel Comia Jr., Onyok Pineda at ang TNT Boys, para pahangain ang mga manonood sa kanilang huling tranformations.

Gaya ng nakaraang season, ang 50% ng kanilang magiging total scores ay mula sa text votes, at ang natitirang 50% naman ay mula sa naipon nilang stars na ibinigay ng judges.

Nangunguna nga sa score board ang TNT Boys na mayroong 270 stars na sinusundan ni Sheena na nakapagtala ng 261 stars.

Tuloy din ang pakikipagtagisan ni Esang na may 255 stars, habang si Krystal naman ay may 244 stars. Samantala, patuloy din ang laban ng natitirang kiddie performers na sina Chunsa (219 stars), Noel (217 stars), Marco (214 stars), at Onyok (210 stars).

Sino nga kaya ang tatanghaling pinakabagong grand champion?

Huwag palampasin ang grand showdown ng Your Face Sounds Familiar Kids ngayong Sabado at Linggo sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending