Erich nagtatrabaho kahit may sakit: Hindi excuse na puyat at pagod ka! | Bandera

Erich nagtatrabaho kahit may sakit: Hindi excuse na puyat at pagod ka!

Ervin Santiago - August 15, 2018 - 12:15 AM

ERICH GONZALES AT JAKE CUENCA

SOBRANG payat ngayon ni Erich Gonzales. Bukod daw sa patayang taping nila sa seryeng The Blood Sisters, grabe rin ang stress niya sa unang pagsabak sa pagpo-produce ng pelikula.

Nakachika namin ang Kapamilya actress sa thanksgiving-farewell presscon ng The Blood Sisters kamakalawa at inamin nga ni Erich na malaki ang nabawas sa kanyang timbang nitong mga nakaraang araw dahil sa pressure at stress sa trabaho.

In fairness, hindi naman kasi biro ang araw-araw na pagtatrabaho ni Erich, lalo na sa taping ng kanyang primetime series na magtatapos na nga ngayong Biyernes. Tatlo ang karakter ng dalaga sa serye at sa isang eksena pa lang ay grabe na ang energy at effort na kailangan niyang ibigay.

Sa katunayan, ilang beses na siyang nagkasakit at naospital dahil hindi na kinaya ng kanyang katawan ang pagod at puyat. Pero aniya, hangga’t maaari ay ayaw niyang ma-pack up ang taping kaya kahit masama ang pakiramdam niya ay tuluy-tuloy lang siya sa pagtatrabaho.

“Sabi ko nga, sa tindi ng mga eksena namin, sa dami ng kailangan kong i-memorize, grabe, thank you, Lord lang talaga. Kasi may mga days na parang imposible na, alam ko hindi na ako yun. Si God na ang kumikilos para magawa ko lahat ng dapat kong gawin.

“Parang impossible na to memorize your lines, iiyak ka simula umaga hanggang madaling araw, yung ubos ka na talaga pero kinakaya naman. Kasi naniniwala ako na hindi excuse yung puyat ka, wala kang tulog, pagod, kailangang maka-deliver ka. And I’m speaking for myself, ayokong nasu-short change yung audience natin.

“So, hindi excuse sa akin na may sakit ka or grabe na yung pagod mo, you have to deliver, give your best,” chika pa ni Erich.

Kaya naman puro papuri ang ibinigay sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa The Blood Sisters, kabilang na riyan sina Cherry Pie Picache, Dina Bonnevie at Tessie Tomas. “Excellent” at “very good” nga ang ibinigay na grado sa kanya ng mga katrabaho niyang veteran stars sa TBS.

Bukod nga sa kanyang serye, matindi rin ang stress na inabot niya sa pagiging producer at bida ng pelikulang “We Will Not Die Tonight” na kasali sa 2nd Pista Ng Pelikulang Pilipino na mapapanood na simula ngayong araw sa mga sinehan nationwide.

Hiwalay mang lumaki at malayo ang loob sa noon sa isa’t isa, magkakasamang lalaban bilang isang pamilya sina Agatha, Carrie at Erika (Erich) upang iligtas ang kanilang ina sa pagtatapos ng The Blood Sisters.

Alang-alang kay Adele (Cherry Pie), magsasanib-pwersa ang tatlong mukha at magpapanggap bilang si Agatha mula ulo hanggang paa upang makuha ito mula sa mga kamay nina Rocco (Jake Cuenca) at Fabian (Dante Rivero).

Sa kabila naman ng pagkakadawit ni Agatha sa sindikatong nagpahamak sa kanilang buong pamilya, nagawa siyang patawarin ng kanyang mga kapatid at binigyan ng panibagong pagkakataong patunayan ang sarili.

Ito ang unang beses na nagkasundo ang magkakambal sa iisang hangarin, matapos ipakita ni Adele ang pagmamahal sa anak nang isugal niya ang sariling buhay mapalaya lang si Agatha mula sa sindikatong nagbabantang ubusin ang kanilang pamilya.

Pagmamahal din ang pinili ni Debbie (Dina), na pinatawad si Norman (Jestoni Anarcon) sa kabila ng mga kasalanan nito at ginawa pang tulungan ang mag-iina ng asawa na itinuring na niyang pamilya.

Paano uutakan nina Agatha, Carrie at Erika ang mga tusong kaaway? Mailigtas kaya ng magkakapatid ang kanilang ina? Mas maaksyon at kapana-panabik na eksena ang dapat na abangan ng mga manonood sa eksplosibong pagtatapos ng serye na sinubaybayan nang anim na buwan sa buong bansa.

Gabi-gabing wagi sa ratings game ang TBS na nagkamit ng all-time high national TV rating na 28.1% noong Marso 1, ayon sa Kantar Media. Bukod sa TV, sinusubaybayan din ito online at pasok sa top 5 na pinakapinapanood na programa sa iWant TV mula Pebrero hanggang Hulyo nitong taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palalampasin ang huling linggo ng The Blood Sisters sa ABS-CBN Primetime Bida.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending