Jodi, Gabby bibida sa movie version ng 'Gulong Ng Palad' | Bandera

Jodi, Gabby bibida sa movie version ng ‘Gulong Ng Palad’

Ambet Nabus - August 14, 2018 - 12:15 AM

DAHIL labs namin si Tita Perla Bautista, talagang sinadya naming panoorin ang 2018 Cinemalaya entry niyang “Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon” kasama sina Dante Rivero at
Menggie Cobbarubias.

Salamat sa Cineko Productions na sumugal sa kuwento ng “Dapithapon” sa direksyon ni Carlo Catum.

Tahimik lang ang pelikula tungkol sa tatlong senior citizen na nasa dapithapon na nga ng kanilang buhay, pero punumpuno pa rin ng sigla at pag-asa. Hindi ito dramang-drama, pero maaantig ang puso mo sa reyalidad ng mga eksena.

Nakakaaliw din ang humor ng mga matatanda sa mga eksenang para na lang silang magkakaibigan. Dati kasing mag-asawa sina Tita P at Tito Dante na naghiwalay after 25 years ng pagsasama.

Kasal sila at may isang anak na ginagampanan ni Rominck Sarmenta. Galit na galit siya sa ama dahil inabandona sila nito nu’ng bata pa siya.

Si Tito Menggie naman na isang balo at may anak din ang bagong kinakasama ni Tita P, at umabot na nga ng 26 years ang set-up nila. Isang araw, ipinatawag ni Tito Dante si Tita P para alagaan siya matapos tamaan ng stage 4 cancer.

Doon umikot ang magandang kuwento ng movie kung saan nabuo ang kakaibang friendship nilang tatlo hanggang sa mamatay nga si Tito Dante.

Talaga namang ang gagaling nila sa pelikula, kahit yung mga hugot lines na sa mga young loveteams lang natin naririnig ay higit palang bagay sa kanila.

Sana naman ay maipalabas ito sa mas maraming sinehan dahil kakaiba ang kuwento at bago ito sa aming panlasa.

Nakakatuwa lang talagang makapanood ng mga obrang gaya nito at sobrang respeto sa mga senior stars na nabibigyan ng ganitong break sa panahon ngayon.

Hindi man nanalong best actress sa gabi ng parangal ng Cinemalaya si Tita Perla, wagi namang Best Film ang pelikula. Ito rin ang nag-uwi ng NETPAC Jury Award, Best Screenplay, Best Cinematography at Best Production Design.

q q q

In the works na rin pala ang isa pang project ng Cineko Productions, ang movie version ng classic TV series na “Gulong Ng Palad.”

Bukod sa binanggit ito sa amin ng mahal naming kaibigan-kumpareng Mayor Enrico Roque (isa sa mga big wigs ng Cineko), nakita rin namin ang mga Instagram post ni Jodi Sta. Maria.

Si Jodi ang bibida sa nasabing pelikula na ididirek ni Laurice Guillen. Until now daw ay hindi pa rin makapaniwala ang aktres na siya ang napiling leading lady ni Gabby Concepcion
na super crush at idol pala niya mula pa noong bata siya.

“Who would have thought na magiging leading man ko siya,” ang caption ni Jodi sa isang IG photo na kuha sa shooting nila ni Gabby.

At dahil sa Gulong Ng Palad nakilala noon si Romnick Sarmenta bilang si Peping, naitanong namin sa producer kung plano rin ba nilang kunin ang asawa ni Harlene Bautista sa movie? Sey ni Mayor Roque, “May narinig ako na pinag-uusapan na iyan. Sana naman.”

Sikat na sikat ang soap operang Gulong Ng Palad noong late 70’s na tumagal hanggang dekada 80. This 2018, millennial na ang approach sa kuwento nito pero tungkol pa rin sa pamilyang Pilipino.

q q q

Nu’ng makausap namin si Devon Seron sa presscon ng “Bakwit Boys,” hindi niya sinabi ang identity ng kanyany special someone, maliban sa “taga-showbiz din po siya.”

Until naglabasan na nga ang fotos nila ni Kiko Estrada, na namamasyal sa mall, magka-holding hands at sweet na sweet.

Ngayong inaakusahan ang dalaga na magaling daw tumayming para magka-publicity ang “Bakwit Boys” na kasali sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino, ano kaya ang kanyang magiging depensa rito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matagal na silang nali-link ni Kiko since she moved to GMA 7 at ngayon nga lang lumalabas ang tsikang sila na. Basta ang masasabi lang namin, suwerte ni Devon kay Kiko. Ha-hahaha!

Hindi lang guwapo at mabait ang binata, masarap din itong kasama dahil komedyante rin sa totoong buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending