Kilalang cager natikman din ng mga beki; unang mamahaling sapatos galing kay gay celeb
PAGDATING sa kuwentong-becki ay tahimik lang ang isang kilalang male personality. Wala siyang sinasabi, ayaw niyang magsalita, marespeto ang lalaking personalidad kapag tinatanong na siya tungkol sa mundo ng LGBT.
Maraming bading na natutuwa sa kanyang pananahimik, nirerespeto nga naman niya ang mga becki, habang may mga kasamahan siya sa kanyang larangan na parang maliit ang pagtingin sa mga bading.
Kuwento ng aming source, “Dapat lang naman siyang manahimik! Kapag kasi nagpakaplastik siya na kiyeme-kiyemeng wala pa siyang karanasan sa mga becki, e, baka mabulabog ang buhay niya!
“Hindi niya napitas ang success sa mundong ginagalawan niya nang overnight lang, nagsimula muna siya sa ibaba, natikman muna niya ang taghirap. Walang-wala pa siya nu’n, nakikitira lang siya sa mga kaibigan niya, kaya dumaan din siya sa mga kamay ng mga becki.
“Naging part ng taghirap days niya ang tulong ng mga becking nakikilala niya,” konklusyon ng ma-chika naming source.
Sino nga ba ang mag-aakala na sisikat pala ang lalaking ‘yun na galing sa isang malayong probinsiya? Pagkatapos lang pala nang ilang taon ay bibida na siya nang todo sa pagdidribol ng bola?
“Napakasuwerte nga ng isang gay personality na unang nilapitan ng lalaking ‘yun. Ang unang mamahaling shoes niya, e, galing sa becki. Ang pambaon niya nu’n sa practice niya, e, sa becki rin nanggagaling.
“Matagal-tagal din siyang naging regular na bisita ng becki, palagi siyang nasa bahay ng kilalang gay personality, sumikat man siya nang husto, e, hindi niya maidedenay na napakalaki ng naitulong sa kanya ng becking ‘yun!
“Huwag niya namang sabihin na habang nandu’n siya sa housing authority ng becki, e, naglalaro lang sila ng chess? Siyempre, wrestling ang paborito nilang laro nu’n, di ba naman?
“Hawak ng becki ang trophy sa pagiging unang-una sa sikat nang basketball player ngayon. Malaki ang ilong, este, ang naitulong sa kanya ng bading nu’ng nangangarap pa lang siya, hindi niya makakalimutan ang becki.
“Kapag ginawa niya ang pagdedenay tungkol sa kanila, e, bubulabugin ang male personality ng kunsensiya niya. Tama, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” pagtatapos na chika ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.