Direk Jason Paul Laxamana mas pinu-push ang ‘Bakwit Boys’ kesa sa reunion movie nina JC at Bela
AMINADO si Direk Jason Paul Laxamana na doble ang effort ng ginagawa niyang pagpo-promote para sa pelikulang “Bakwit Boys” kaysa sa “The Day After Valentine’s” na pareho niyang idinirek at pareho ring nakapasok sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino.
Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang 2nd PPP sa Agosto 15-21.
“Kasi okay na siya sa Viva, eh. Sure na, so itong ‘Bakwit’ ang talagang pinu-push ko,” say ni direk JP sa nakaraang presscon ng pelikula.
Bukod sa pagdidirek, si Direk Jason Paul din ang nagsulat ng kuwento ng dalawang pelikula na pareho ring nakakuha ng Grade A sa Cinema Evaluation Board (CEB).
Nabanggit ni direk JP na anim na ang pelikula niyang nabigyan ng Grade A ng CEB.
Kuwento ng direktor, “Yung previous movies ko like ‘Magkakabaung,’ ‘Pwera Usog,’ ‘Third Party,’ ‘100 Daang Tula Para Kay Stella’ at ngayon nga itong ‘The Day After Valentine’s’ at ‘Bakwit Boys,’ Graded A lahat. The rest ng movies ko, Graded B naman. Wala akong movies so far na walang grade.”
Sa palagay ni direk Jason Paul ay nakakatulong ang pagbibigay ng Grade A ng CEB para maengganyo ang mga taong panoorin ang mga ganitong klaseng pelikula.
“Well, ang goal lang naman talaga natin ay makagawa ng magandang pelikula. At least, nagta-translate to Grade A yung ginagawa ko,” aniya.
Para sa kanya, malaking tulong para mag-create ng awareness sa audience kapag nabibigyan ng A ang isang pelikula.
“May mga tao na, ‘uy panoorin natin kasi A daw.’ Siguro, it won’t convince a person to watch it pero parang mas nakaka-encourage sa mga nag-aalangang manood.
“Halimbawa, nakita nila yung trailer, interesado sila pero hindi pa sila sure, then nakita nila, ‘Wow A, sige panoorin ko na.’ Pampa-encourage,” pahayag ng direktor.
q q q
Pagdating naman sa box-office results ay gusto rin ng direktor na kumita ito kumpara rati na hindi niya masyadong iniintindi ang kita.
“Of course, gusto ko pa rin yan for my producers kasi they’re the ones who invest, eh. Pero on a personal level, hindi na ako ganu’n ka-affected. Malulungkot siguro ako for a few days then gawa lang ng bago.
“Mahirap na rin kasing i-predict ngayon kung anong kikita at kung ano ang hindi. Hindi mo na sure, ang hirap na. Kahit super laking artista, kahit bagong artista, ibang genre, mahirap,” paliwanag pa ni direk JP.
Nanguna sa takilya noong nakaraang taon sa PPP ang “100 Tula Para Kay Stella,” mauulit kaya ito ngayon sa dalawang pelikula niyang “Bakwit Boys” at “The Day After Valentine’s”?
“Ang mas challenging siguro this year, kasi last year parang kami yung pinaka-mainstream, eh, the rest are artsy-artsy. Ngayon, hindi na lang kami, may ‘Unli Life’ at iba-iba pa, so ang hirap masabi, di ba?
“Pero ako, mabawi lang o kumita lang yung producer ko ng P100 million, okey na sa akin,” say pa ni direk.
Samantala, ayon sa mga artistang nakasama na sa mga pelikula ni direk Jason Paul, masarap daw itong katrabaho dahil ayaw niyang inuumaga ang lahat sa set dahil katwiran niya ay ayaw niyang mapagod ang mga artista at production lalo’t may trabaho pa kinabukasan.
Maging sa budget na ibinigay sa kanya ng producer ay hindi siya lumalampas dahil alam niya kung gaano kahirap kinita ng producer ang perang ibinigay para ipang-produce sa pelikula niya.
Ang mga artistang kasama sa “Bakwit Boys” ay sina Ryle Santiago, Nikko Natividad, Vance Larena, Mackie Empuerto at Devon Seron sa produksyon ng T-Rex Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.