Kate Valdez: Tanggap ko po na mas maganda si Liza! | Bandera

Kate Valdez: Tanggap ko po na mas maganda si Liza!

- August 09, 2018 - 12:01 AM

FEELING blessed ang Kapuso youngstar na si Kate Valdez dahil napasama siya sa bagong primetime series ng GMA na Onanay.

Imagine, sa maikling panahon pa lang niya sa showbiz ay kasama na niya sa isang drama series ang Superstar na si Nora Aunor at ang primera contravida na si Cherie Gil.

“It’s a dream come true. Sobrang blessed ko po talaga. Noong bata pa lang po ako na pinapanood ko sila, ngayon, kaeksena ko na sila. Para siyang panaginip lang,” kuwento ni Kate.

Sa Onanay, si Cherie ang gumaganap na lola niya kaya sila ang laging magkaeksena, “Siyempre nakakatakot po talaga pero tinutulungan niya ako sa mga scenes namin. Sometimes kapag may eksena kami, sinasabi niya sa akin, ‘iha, you relax.'”

Natanong si Kate kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing malaki ang hawig niya kina Angel Locsin at Liza Soberano. Aniya, may mga nam-bash sa kanya dati dahil dito.

“Hindi naman po ganu’n katindi yung bashing, sinasabi lang nila na mas maganda si Liza, tanggap ko naman po yun. I mean, it’s okay with me at hindi po kailangang makipag-compete.
Tsaka totoo naman po na mas maganda talaga sa akin si Liza,” aniya pa.

Ayon pa kay Kate, natuto na rin daw siyang mangdedma ng mga bashers at hangga’t maaari ay hindi na niya pinapatulan ang mga ito. Uubusin na lang daw niya ang kanyang energy sa pagtatrabaho at paggawa ng mas makabuluhang bagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending