DU30 minura at binantaang papatayin ang mga pulis na sangkot sa krimen
BUKOD sa mura, binantaan pa ni Pangulong Duterte ang mga pulis na sangkot sa iba’t ibang krimen, na papatayin sila kapag hindi tumigil sa kanilang mga iligal na aktibidad.
Ito’y matapos namang iprisinta kay Duterte sa Malacanang ang 105 pulis na nahaharap sa kasong administratibo at kriminal.
“Kayo ang salot na hindi ko maintindihan. P*t*ng ina,” sabi ni Duterte habang kausap ang mga pulis.
“Prangkahin ko kayo buong Pilipino. ‘Pag ganun kayo bg ganun, p*t*ng ina papatayin ko talaga kayo. Masiguro ninyo ‘yan. Wala na ako magawa sa inyo, mga ulol kayo,” dagdag niya.
Nahaharap ang mga pulis sa kasong kidnap-for-ransom, extortion, robbery, at serious illegal detention.
“Tumingin kayo sa akin, sampalin ko kayo. Tumingin kayo sa akin, dito sa mata ko. Look at me. Alam mo hindi ko maintindihan bakit kayong mga kriminal nakapasok sa police,” ayon pa kay Duterte.
Idinagdag ni Duterte na seryoso siya sa kanyang banta na papatayin ang mga pulis na sangkot sa krimen.
“Bakit kayo napasok dito na mga animal kayo? Para kayong, p*t*ng ina, parang mga aso na. Ang sunod ko sabi noon itong mga kriminal [patayin], sunod kayong mga pulis na kriminal. Hindi ako nagwa-warning para pantakot. Nagwa-warning ako para gawin ko,” sabi pa ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.