NASAWI noong Linggo ang isang detainee na nasa kostudiya ng Quezon City police dahil sa komplikasyon dulot ng leptospirosis.
Umabot lamang ng 24 oras ang pananatili ni Mhel Pardilla, 30, sa Masambong Station ng Quezon City Police District nang siya ay isugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan.
Batay sa rekord ng pulisya, naaresto si Pardilla noong Hulyo 31, 2018, kasama ang dalawang iba pa, sa Barangay Bagong Pag-asa dahilk sa paglalaro ng cara y cruz,
Nang sumunod na araw, isinugod si Pardilla sa National Kidney Transplant Institute (NKTI), matapos na mahirapang huminga at idinaing ang pananakit ng tiyan.
Sinabi ni Supt. Rodrigo Soriano, Masambong Station commander, na inakala ng pulisya na may problema sa bato si Pardilla kayat dinala sa NKTI.
Makalipas ang apat na araw, idineklara siyang patay pasado alas-10 ng umaga habang nasa loob ng medical unit ng ospital.
Base sa imbestigasyon, severe pulmonary hemorrhage due to leptospirosis ang ikinamatay ng biktima.
“The family told us that he worked as a trash scavenger at Manila Bay,” sabi ni Soriano. “His home in Sitio San Roque was also prone to flooding.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.