Benhur Luy nagpadala ng pera sa US account ni Napoles | Bandera

Benhur Luy nagpadala ng pera sa US account ni Napoles

- August 02, 2018 - 07:31 PM

Napoles

NAGPADALA umano ng pera na kinuha mula sa gobyerno ang whistleblower na si Benhur Luy sa US account ni Janet Lim Napoles.

Ito ang sinabi ni Luy sa pagdinig ng kaso ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr.,  sa Sandiganbayan First Division.

Ayon kay Luy napunta sa Estados Unidos ang bahagi ng kinita mula sa pork barrel fund scam.

“Pinapa-telegraphic po namin sa US sa kanyang accounts,” ani Luy.

Si Napoles, kanyang tatlong anak, kapatid at hipag ay nahaharap sa kasong money laundering sa Estados Unidos.

Si Luy ay pangunahing testigo sa mga kasong isinampa kaugnay ng pork barrel fund scam.

Tumanggi naman si Luy na magkomento ng matanong ng media kung handa siyang pumunta sa Estados Unidos para tumestigo laban kay Napoles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending