Dingdong saludo sa pagiging public servant ni Arnell; OFW sa Jordan iniligtas | Bandera

Dingdong saludo sa pagiging public servant ni Arnell; OFW sa Jordan iniligtas

Ervin Santiago - July 31, 2018 - 12:30 AM

SALUDO si Dingdong Dantes sa mabilis na pag-aksyon ng Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio sa inilapit niyang problema ng isang OFW.

Sa Facebook idinaan ni Dingdong ang pasasalamat sa TV host-comedian: “Halos 10 years na kaming di nagkikita ng kaibigan kong si Arnell Arevalo Ignacio. Kaya nung nagkaroon ako ng pagkakataong bisitahin siya sa kanyang opisina noong July 13, agad ko siyang niyakap hindi lang dahil sa pagka-miss kung hindi dahil sa lubos na pagpapasalamat.

“Nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Jude Santos, noong July 5, tungkol sa kapatid ng kaniyang kasambahay na isang OFW. Siguro, ako ang napili niyang tawagan dahil napanood niya ang isa sa mga episode ng Tadhana, kung saan gumanap ang aking asawa under my direction (naks!).

“Ayon kay Jude, sinasaktan, hindi pinapakain, kinukulong, at hindi pinapasahod si Jesusa ng kanyang employer sa Jordan. Upon hearing this story, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tinawagan ko si Arnell na kasalukuyang Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

“Arnell immediately responded to my early morning message on July 9. On the phone, he was still his old self — witty, kwela and straight to the point. Matapos ang kamustahan, agad naming pinagusapan ang kaso ni Jesusa. At pagkalipas lamang ng ilang oras, on that same day, agad akong tinawagan ni Arnel para ibahagi ang magandang balita— makakauwi na si Jesusa!

“Kaya ganun na lang ang yakap ko kay Arnell nung nagkita kami. Yakap ng pasasalamat sa napakabilis na aksyon. Iba si Arnell. Komedyante. Public servant. Action man. Isa siyang living example ng responsiveness at efficiency na ilan sa pillars ng mabuting pamamahala o good governance.

“I may not agree with some of our administration’s policy directions, but i want to give credit where credit is due. So, to our government people who are under the radar na ginagawa talaga ang trabaho nila, salamat sa inyo.

“I also want to bring the spotlight back to our OFWs. Tulad kong may kapatid na nakipagsapalaran sa ibang bansa, nakakatuwang malamang mayroong kakampi ang ating mga kababayang nagtitiis na mapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay para magtrabaho at baguhin ang kapalaran ng kanilang pamilya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending