NAIS ni ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III na i-persona non-grata ang Kuwaiti blogger na nagsabi na hindi dapat ibigay sa mga domestic helper ang kanilang pasaporte.
Maghahain si Bertiz ng resolusyon sa Kamara de Representantes upang hindi payagan si Sondos Al Qattan na makatungtong ng Pilipinas.
“Once we obtain plenary approval of the resolution, we will send it to our Bureau of Immigration for enforcement,” ani Bertiz. “No one has the right to treat our kababayans as slaves because they go to foreign country to find decent living for the sake of their families.”
Sinabi ni Al Qattan na ang pagtatago ng employer ng pasaporte ng DH ay isang pagsiguro lamang na hindi tatakas ang mga ito.
“Ms. Al Qattan should realize the contribution of our Overseas Filipino workers in various countries in the world, not just in Kuwait,” ani Bertiz.
Ayon kay Bertiz dapat ay umalis na rin ang mga kompanya na nagpapa-endorso kay Al Qattan.
Umaasa naman si Bertiz na mapipirmahan na ang Agreement on the Employment of Domestic Workers upang maalis na ang pagtrato na parang alipin sa mga DH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.