Propesor ipinagtanggol si Kris sa resulta ng 'ILYH' sa takilya | Bandera

Propesor ipinagtanggol si Kris sa resulta ng ‘ILYH’ sa takilya

Cristy Fermin - July 18, 2018 - 12:25 AM

JULIA BARRETTO, KRIS AQUINO AT JOSHUA GARCIA

NAKAKAAWA naman si Kris Aquino. Siya ang sinisisi ngayon dahil sa hindi pagsalok ng kayamanan sa takilya ng pelikulang ginawa niya kasama ang loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Hindi naman talo ang produksiyon sa kanilang puhunan, hindi rin naman nag-first day-last day ang pelikula, hindi nga lang ‘yun kumita nang ayon sa inaasahan ng mas nakararami.

Natural, dahil mainit ang JoshLia loveteam ngayon, ang itinuturong dahilan ng matamlay na kinikita ng proyekto ay si Kris Aquino, talaga raw kumupas na ang magic ng aktres-TV host, hindi na raw siya pambenta sa kahit anong proyekto.

Pero may nagtatanggol naman kay Kris, ayon sa mga nakakausap namin ay hindi naman siya ang pambenta sa “I Love You Hater” kundi ang tambalang JoshLia, kaya bakit ngayong hindi masyadong tumabo sa takilya ang pelikula ay siya ang sinisisi?

Pahayag ni prop na hindi maka-Kris, “Hindi sapat si Kris para pahintuin ang pagkita ng movie. Kung maganda talaga ‘yun, e, dadayuhin sa sinehan ng mga kababayan natin.

“Dapat, maisip din ng mga sumisisi kay Kris na panay-panay ang bagyo ngayon, sobrang tukod pa ng traffic, kaya gusto mang lumabas ng manonood, nakakaharang ang traffic at ulan sa kanila.

“Saka ibig sabihin lang na hindi pa rin ganu’n kalakas ang panghatak ng JoshLia, hindi nila kinayang isalba ang movie na sinasabi nilang si Kris ang dahilan kung bakit hindi masyadong pumalo sa box-office!” komento ng mahal naming kaibigang propesor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending