Klase sa lahat ng antas kinansela na; mga kawani ng gobyerno pinauwi na dahil kay Henry
KINANSELA na ng Malacanang ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at pinauwi na rin ang mga kawani ng pamahalaan sa harap naman ng mga pagbaha at lakas ng mga pag-ulan dulot ng bagyong Henry.
Ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Circular number 47 na nagsususpinde sa klase at pasok sa mga opisina ng pamahalaan sa Metro Manila epektibo ala-1 ng hapon kahapon.
Nagdulot ng mga pagbaha sa maraming lugar sa Kalakhang Maynila ang walang tigil na mga pag-ulan na nagsimula ng madaling araw kahapon.
Pinaubaya naman ng Malacanang sa pamunuan ng kani-kaniyang pribadong tanggapan ang desisyon kung papauwiin ng mas maaga ang kanilang mga kawani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.