DA who ang isang opisyal ng isang departamento na choosy pa kapag nag-a-out-of-town dahil puro five-star hotel ang pinipili niyang tuluyan na ang ibinabayad ay mula sa buwis ng bawat mamamayan?
Hindi naman Secretary ang posisyon ng lady executive pero gustong magpasosyal.
Nagmula sa wala ang opisyal kayat ngayong nakaupo na, matapos namang maitalaga sa isang departamento ay feeling reyna lang ang peg kahit hindi naman talaga asset sa kanyang trabaho.
Ang siste, kahit ang trabaho ni lady official ay front liner, walang ginawa ito kundi magkulong sa hotel na tinutuluyan kapag out-of-town o sa ibang bansa man ang biyahe.
Walang ginawa ang opisyal kundi maging advance party, bagamat dahil nga wala naman itong ginagawa, kahit hindi siya sumama sa mga trip ay hindi naman apektado ang trabaho ng ahensiyang kinabibilangan niya.
Pamamasyal, pagkain at pagkukulong sa kanyang hotel room lang naman ang kanyang inaatupag.
Kailan kaya siya io-audit ng Commission on Audit (COA)?
Gusto n’yo ba ng clue? Ban na ang opisyal na sumabay sa chartered plane o maging sa commercial flight ni Digong matapos nga siyang pagbawalan.
Ang siste, nagpupumilit pa rin ang opisyal na pumunta sa Davao City, kung saan na siya idineklara na persona non grata dahil nga feeling malakas pa rin.
Ang balita pa, bago mapromote si lady exec sa kanyang posisyon, nag-iiyak ito sa harap ng isang maimpluwensiyang opisyal kayat pagbalik niya sa Maynila ay promoted na ito.
Isa pang clue, nauna nang binanatan ang ahensiyang kinabibilangan ni lady exec dahil sa pagiging matakaw ng mga opisyal nito.
Usap-usapan din na nag-iipon na ang opisyal sakaling wala na siya sa katungkulan dahil kilala itong nasa row four nung nag-aaral kayat bilang paghahanda kung mawala na ito sa gobyerno.
Balik tayo sa pagiging choosy ni lady official sa mga hotel na tinutuluyan, standard operating procedure (SOP) kasi sa mga out-of-town na simpleng hotel lang dapat ang mga opisyal lalo na’t kung hindi naman Secretary ang ranggo.
Pero ibang mag-trip si lady executive na feeling first lady ang peg kung umasta.
Gets n’yo na ba ang tinutukoy ko? Tanungin na lang natin sa isang media outlet kung saan siya nagmula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.