Pacquiao ipapahiya ni Matthysse sa kanilang laban | Bandera

Pacquiao ipapahiya ni Matthysse sa kanilang laban

Angelito Oredo - July 12, 2018 - 10:41 PM

MANNY PACQUIAO AT LUCAS MATTHYSSE

PURSIGIDO ang nagtatanggol na kampeon na si Lucas Matthysse ng Argentina na pahiyain ang eight-time world boxing champion na si Manny Pacquiao sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa laban na tinaguriang “Fight of Champions” sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Binalewala lamang at hindi nagpaapekto ang may bitbit ng korona na si Matthysse habang patuloy ang pag-eensayo nito para sa pagtatanggol ng kanyang hawak na World Boxing Association welterweight crown sa Linggo, Hulyo 15.

Una nang nagpahayag ang Malacañang na panonoorin mismo ni Duterte ang laban nina Matthysse at kasalukuyang Senador na si Pacquiao na nagnanais maagaw ang korona na magtutulak dito para sa kanyang ikasiyam na titulo.

Inihayag mismo ni Matthysse na, “It will only be me and Pacquiao in the ring,” matapos ang kanilang kahandaan sa media workout sa Le Meridien.

Naglalaro ang timbang ni Pacquiao sa 147-pound weight limit sa kasalukuyan nitong bitbit na 145 kilograms habang lampas naman si Matthysse na nasa 149 kilograms.

Hamon naman kay Pacquiao ang pahayag ni Matthysse na wala itong pakialam kung manonood sa kanilang laban si Duterte dahil tanging hangad nito ay ang talunin ang Philippine boxing icon.

Nakatakdang magtungo si Duterte ngayong Linggo sa Malaysia para mapanood ang title fight at makipagkita na rin mismo kay Malaysia Prime Minister Mahathir Mohamad.

Ipinaliwanag naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagtungo ni Duterte sa Malaysia ay pribado at hindi isang opisyal o working visit.

Sinabi rin ni Pacquiao matapos ang workout na ang gagamitin na ring at iba pang equipment sa laban na nasa ilalim ng MP Promotions ay ibibigay na nito sa Kuala Lumpur government.

Hindi naman naiwasan na mapunta ang usapan sa football dahil ang Malaysia ay isang bansa na mahilig sa nasabing sport lalo pa na ginaganap ang FIFA World Cup sa Russia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paborito mismo ni Pacquiao ang Argentina na matatandaang tinalo ng France, 4-3, sa round of 16.
“Argentina has been my team since before,” sabi ni Pacquiao, na paborito si Lionel Messi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending