LTFRB pinatawan ang Grab ng P10M multa dahil sa overcharging
PINATAWAN ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) ang Grab Philippines ng P10 milyong multa dahil umano sa overcharging.
Sa isang pahayag mula sa LTFRB, sinabi nito na dapat ding ibalik ng Grab sa mga pasahero nito ang siningil na P2 kada minutong travel charge sa pamamagitan ng rebates.
Nauna nang itinanggi ng Grab na sangkot ito sa overcharging.
Noong Abril, sinuspinde ng Grab ang P2 kada minutong singil,
Noong Mayo, hiniling ng Grab sa LTFRB na payagan ang P2 travel charge, sa pagsasabing malaki ang epekto ng suspensyon nito sa mga driver.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.