John Lloyd naalarma sa mga tsismis, nakiusap sa ABS-CBN na kontrahin ang fake news | Bandera

John Lloyd naalarma sa mga tsismis, nakiusap sa ABS-CBN na kontrahin ang fake news

Cristy Fermin |July 01,2018
facebook
share this

John Lloyd naalarma sa mga tsismis, nakiusap sa ABS-CBN na kontrahin ang fake news

Cristy Fermin - July 01, 2018 - 12:20 AM

JOHN LLOYD CRUZ

NILINAW ng pamunuan ng ABS-CBN ang pinagpipistahang issue na nagparamdam na sa kanila si John Lloyd Cruz. Gusto na raw bumalik ng magaling na aktor sa pagtatrabaho.

Magkakaiba ang bersiyon ng mga balitang lumabas. Ang unang kuwento ay dalawang-kamay na muling tinanggap ng network ang kagustuhang magbalik-trabaho na ni Lloydie.

Ang isang istorya naman ay gusto raw munang bigyan ng leksiyon ng istasyon ang isa sa kanilang prized possessions, wala pa raw nakahandang proyekto para kay JLC, kailangan niya pang maghintay.

Naalarma siguro si John Lloyd sa mga naglalabasang isyu, maaaring hiniling niya sa pamunuan ng Dos na pabulaanan ang mga kuwentong lumulutang, kaya nilinaw naman ng network na walang ganu’ng istorya.

Meron man o wala ay hindi imposibleng isang araw ay magbalik din sa pagtatrabaho ang magaling na aktor. Darating din ang isang umaga na maiintindihan niya ang kinapapalooban niyang sitwasyon.

Masarap magpahinga. Masarap magkaroon ng kapribaduhan ng buhay ang tulad niyang halos nakahain na sa publiko ang lahat ng bahagi ng katawan pati ang bituka niya.

Pero mahirap magpahinga nang matagalan dahil maraming sangkot na kunsiderasyon ang pagtalikod sa mundong nagpaganda ng estado ng buhay ng kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending