'Malapit na ang umaga para kay Bong!' | Bandera

‘Malapit na ang umaga para kay Bong!’

Cristy Fermin - June 30, 2018 - 12:01 AM

SUNUD-SUNOD na ang ginagawang pagdinig ngayon sa kasong naging dahilan ng pagkakakulong ni dating Senador Bong Revilla.

Salamat naman dahil dalawang taon nang nakakulong nu’n si Senador Bong ay ni hindi pa man lang nakakahakbang nang pasulong ang hearing para sa kasong binubuo niya sa loob ng piitan.

Nakalaya na ang dalawang mambabatas na tulad niya’y ipinakulong din, pero siya ay nasa loob pa rin ng PNP Custodial Center, umaasang isang araw ay maririnig din ang kanyang sigaw.

Sa mga huling pagdinig sa kaso ay walang mabigat na ebidensiyang naipakikita ang umuusig sa kanya. Madiin ang sabi ng pinakahuling naupo bilang saksi ng prosekusyun, hindi raw nito nakikitang kasama ni Gng. Janet Napoles si Senador Bong, napag-utusan lang daw itong isangkot ang pangalan ng aktor-pulitiko.

Susmaryosep naman! Apat na taon nang nakakulong ngayon ang inaakusahan, pagkatapos ay saka lang lalantad ang witness para baligtarin ang nauna nitong salaysay, ang kanyang kapwa whistleblower daw na si Benhur Luy ang pumeke sa mga pirma ng aktor-pulitiko.

Plunder ang ikinaso, pero wala naman palang partisipasyon ang nakakulong sa mga kasong ibinibintang laban sa kanya, tama lang ang sigaw ng mga tagasuporta ni Senador Bong na nasaan naman ang hustisya?

Kapag ganyan nang ganyan ang mga salaysay na binibitiwan ng mga witness ay ramdam na ramdam na ang paglinaw ng mga kasong ibinibintang sa aktor-pulitiko.

Malapit na ang umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending