Digong pinirmahan na bilang ganap na batas Philippine Mental Act
PINIRMAHAN na ni Pangulong Duterte bilang ganap na batas ang Republic Act 11036 o ang Philippine Mental Health Law na naglalayong matugunan ang pangangailangan sa kalusugang sa pag-iisip.
Layunin ng bagong batas na magpatupad ng pangkalahatang programa kaugnay ng problema sa pag-iisip kung saan palalakasin ang Philippine Mental Health Council, at pagkakaroon ng National Mental Health Care Delivery System.
Idinideklara ng RA11036 na lahat ng Pinoy ay may karapatan para maserbisyuhan ng umiiral na programa sa “mental health care service”.
Ipinagbabawal din ng batas ang diskriminasyon sa mga nakakaranas ng “mental disorder”.
Sa ilalim ng Philippine Mental Health Act, magtatayo ng mga pasilidad para sa community-based mental health care sa kasa cluster munisipalidad.
Pinirmahan ni Duterte ang bagong batas noong Hunyo 20, 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.