Gabby Eigenmann naging transgender na sa Contessa | Bandera

Gabby Eigenmann naging transgender na sa Contessa

- June 21, 2018 - 12:40 AM

MAS magiging kaabang-abang pa ngayon ang afternoon series ng GMA na Contessa pagkatapos ng Eat Bulaga.

Magbabalik na ang mortal na kaaway ni Contessa (Glaiza de Castro) – si Vito Imperial (Gabby Eigenmann) na nagpalit na rin ng kanyang katauhan.

Tinapatan ni Vito ang kaaway niyang si Bea na kilala na ngayon bilang Contessa dahil nagpalit na rin siya ng pagkatao. Siya na ngayon si Duquessa Dolce Vito na mas matapang at mas palaban na ngayon.

Nasaktan at natapakan din ang pagkatao ng kontrabidang si Vito kaya naman sa pagbabalik niya ay siguradong mas marami siyang pasabog na dala. Sinimulan na agad niya ang pagganti kay Contessa, kaya ngayon ay masusubukan na kung hanggang saan ang tapang ng ating bida.

Sino kaya ang magwawagi sa bakbakang Duquessa vs. Contessa? Yan ang tutukan sa pagpapatuloy ng Contessa sa GMA Afternoon Prime.

In fairness, ang galing-galing ni Gabby sa Contessa bilang kontrabida. Na-master na rin niya ang pagganap na bading kaya naman puring-puri siya ng LGBT community sa ipinapakita niyang performance sa nasabing Kapuso serye.

Sabi nga ng isang netizen, “Kailangang mas galingan ngayon ni Glaiza dahil ibang atake na naman ang ipapakita ni Gabby ngayong transgender na ang kanyang character! Kudo sa production!”

Kasama pa rin dito sina Lauren Young, Geoff Eigenmann, Jak Roberto, Phytos Ramirez, Tetchie Agbayani, Chanda Romero, Karel Marquez at marami pang iba.

Ito’y sa direksyon pa rin ni Albert Langitan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending