Ex-actor grabe sumipsip sa politiko | Bandera

Ex-actor grabe sumipsip sa politiko

Leifbilly Begas - June 20, 2018 - 12:10 AM

ABUSO na ang ginagawang pagsipsip ng isang dating sikat na aktor sa mga pulitiko na nasa kapangyarihan.

Tawagin na lang natin siyang Mr. Straw.

Minsan ay nabalitaaan ni Mr. Straw na darating sa isang ahensya ng gobyerno malapit sa Quezon City Memorial Circle ang isang opisyal ng Malacanang na close na close kay Pangulong Duterte.

Ang gusto ni Mr. Straw ay siya ang sumalubong kay Mr. Official at maging tagabukas ng pinto ng sasakyan nito.

Ang siste, dalawa ang entrance ng tanggapan na pupuntahan ni Mr. Official kaya hilong-talilong tuloy ito kung saang pinto siya maghihintay.

Pagdating kasi ni Mr. Official ay sigurado na lalabas ito kaagad ng sasakyan at hindi na niya mahahabol kung nasa maling pinto siya.

Hindi tuloy naitago ni Mr. Straw ang kanyang inis sa mga staff dahil hindi makumpirma ng mga ito kung saang pinto bababa si Mr. Official.

Pero mukhang malakas talaga tumunog si Mr. Straw dahil tama ang pinto na kanyang pinaghihintayan.

Matagal nang nasasangkot sa kontrobersya itong si Mr. Straw at nahatulan na ring guilty ng korte sa isang kaso na may kinalaman sa pera pero nakahingi siya ng saklolo sa mas mataas na korte kaya nalusutan ito.

Ang hindi ko alam ay kung mayroon bang hinihinging puwesto si Mr. Straw o kung may pinapaaprubahan siyang kontrata kaya ganito na lang ang pagnanais niyang mapansin.

Umiinit ang aplikas-yon para sa susunod na Ombudsman, ang papalit sa magreretirong si Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Maraming aplikante at boboto ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council kung sino sa kanila ang maisusulat sa shortlist.

Sa shortlist mamimili si Pangulong Duterte kung sino ang magiging Ombudsman sa susunod na pitong taon. Ibig sabihin, wala na sa puwesto ang Pangulo ay naroon pa rin ang susunod na Ombudsman.

Maliban na lang si-guro kung mai-impeach ito o kaya ay buburahin sa ginagawang bagong Konstitusyon na ipapalit sa 1987 Constitution.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na inaakusahan si Morales na nagbibigay ng proteksyon sa mga dilawan o kay dating Pa-ngulong Benigno Simeon Aquino III.

Si Aquino kasi ang nag-appoint kay Morales na dating Associate Justice ng Supreme Court. Nawala na si Aquino sa puwesto noong 2016 pero ngayon pa lang bababa sa puwesto si Morales.

Napakahalaga ng gagawing pagdedesisyon ni Duterte at siyempre sa desisyon niyang ito ay mapagbibintangan din siya na pipili ng tao na magbibigay ng proteks-yon sa kanya at kanyang mga kaalyado kahit na wala na siya at sila sa puwesto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa 2025 magtatapos ang puwesto ng susunod na Ombudsman, ang termino naman ni Duterte ay hanggang 2022 lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending