Local celebs bumilib sa pagiging generous ni Kris; pa-raffle sa presscon umabot ng P1M | Bandera

Local celebs bumilib sa pagiging generous ni Kris; pa-raffle sa presscon umabot ng P1M

Reggee Bonoan - June 20, 2018 - 12:15 AM

MARAMI palang artistang nakapanood at naloka kay Kris Aquino sa mediacon ng “I Love You, Hater” na ginanap sa Dolphy Theater nitong Lunes ng gabi. Inabot talaga kami ng madaling araw sa pakikipagkuwentuhan sa kanila.

Natutuwang sabi ni Actress A, “Aliw talaga si Kris Aquino, walang off-the-record sa kanya. Hindi talaga siya kayang kontrolin ng kahit sino. Nakakatawa ‘yung part na panay ang sabi niya na i-edit ‘yung pambubuko niya, e, naka-Facebook live naman. In fairness, panalo pa rin si Kris.”

Hirit naman ni Actress B, “Grabe! Ang dami ng pina-raffle niya, pero marami pa ring hindi nanalo? Ibig sabihin ganu’n karami ‘yung um-attend sa presscon!”

Paliwanag namin kung hinati-hati siguro ni Kris ang mga premyo, malamang mas marami pa ang mananalo, tulad ng isang P50,000 at lima (o anim) na P25,000 S&R cash card, dalawang P25,000 na National Book Store GC at dalawang cart ng Asvel products.

Pero dahil nga gusto ni Kris na maramdaman ng entertainment press/vloggers/online writers ang spirit ng “Christmas in June”, talagang itinodo na niya ang mga papremyo na lumampas sa P1 milyon ang halaga.

May nag-chat sa aming aktor at nagsabing, “Nakakatuwa si Ate Kris, ‘no? Siya lang talaga ang makakagawa ng ganu’n karaming parapol. Kris Aquino is Kris Aquino!”

May ilang non-showbiz friends din kami na nakapanood sa live streaming ng presscon at hangang-hanga talaga sila sa nag-iisang Queen of Online World and Social Media sa pagiging generous nito sa lahat.

Marunong tumanaw ng utang na loob si Kris, tulad nga ng sinabi sa amin ng isa pang saludo sa mommy nina Joshua at Bimby, “Oo nga! Grabe siya. Kaya ang dami-dami niyang blessings.”

Sabi naman ng isang TV executive tungkol kay Kris, “Siya lang ang artista na nawala sa telebisyon pero super sikat pa rin at mas dumami pa ang endorsements.”

Aminado naman si Kris na hindi siya kukunin na magbida sa “I Love You Hater” kung hindi umariba ang kanyang digital career, “I’m also a businesswoman, alam ko naman na hindi ako kukunin for this movie had I not proven myself in digital because the role of a character as they said, Digital Empress.

“So, they wanted that and I was able to give it to them because, I’m the embodiment of that. Nagawa ko dahil ako ‘yung nauna (digital) dahil nga walang choice, kailangan kong gawin but I’d like to say that I was able to do it because big businesses supported me kaya I wanted to say thank you to them,” paliwanag pa niya.

Pero siyempre hindi mangyayari ang lahat kung wala ang kanyang mga tagahanga at tumatangkilik sa lahat ng kanyang mga proyekto at endorsements.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lahat ng nandiyan sa likod (supporters ni Kris) kung walang nagki-click, nagbu-view, at walang nagsi-share sa social media, hindi ako nakaupo dito ngayon,” sabi pa ni Kris.

Mapapanood na ang “I Love You, Hater” sa Hulyo 11 mula sa Star Cinema at sa direksyon ni Giselle Andres. Kasama rin dito sina Ronaldo Valdez, Mark Neumann, Allora Sasam, Julia Barretto at Joshua Garcia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending