Walang enforcement sa mga two-wheels | Bandera

Walang enforcement sa mga two-wheels

Ira Panganiban - June 15, 2018 - 12:10 AM

KAMAKAILAN ay muli na namang pumutok ang balita tungkol sa mga “Riding-In-Tandem” killings at iba pang krimen bunga ng gawing ito ng mga naka-motorsiklo. Bigla na namang naghgigpit ang pulis at enforcers kunyari at pinagiinitan na naman ang mga pobreng naka-motorsiklo kahit.

Alam kong sasabihin ng ordinaryong motorista na dapat lang naman talaga higpitan ang mga may dala ng motorsiklo o mga two-wheeled vehicles dahil sobrang kulit at bastos nila sa lansangan.

Hindi ko po ito sasalungatin dahil ito ay totoo. Sa araw-araw na pagbaybay ko sa lansangan ng EDSA ay palagi ko silang problema dahil paulit ulit niulang nasasagi ang sideview mirror ko o ang gilid ng bumper ng kotse ko.

Pero sa totoo lang, kahit kasalanan ito ng kakulitan ng mga naka-motor, may sala din ang ating mga traffic enforcers at pulis.

Sa napakatagal na panahon, walang sumisita sa kanila sa ganitong ugali ng mga nakamotorsiklo. Palibhasa kasi ay walang maayos na guidelines laban sa motorsiklo kumpara sa mga kotse, hindi ito nasisita.

Idagdag mo na ang katotohanang mahirap hulihin ang motor kapag tinakbuhan sila nito sa klase ng trapik sa kalye natin at makikita mo kung bakit parang walang pakialam sa batas ang mga two-wheelers na ito.

Hindi alam ng mga enforcer natin na bawal sa batas-lansangan natin ang “lane-splitting” at “lane-filtering”. Ang lane-splitting ay yung dalawang motor na magkatabi sa isang linya sa likod ng isang kotse, habang ang lane-filtering naman ay yung pagdaan sa ibabaw ng guhit sa kalye upang maka-overtake.

Bawal din ang “snaking” sa daan natin pero hindi hinuhuli ito ng mga pulis dahil gawain ito ng mga naka-motor na enforcer at pulis. Mahirap manghuli pag ikaw mismo ay lumalabag kasi.

Meron naman mga paraan para madisiplina ang mga nakamotorsiklo. Nandyan ang no-contact apprehension policy na maaaring humuli ng mga lokong nakamotor. Meron din mga regular checkpoints na nansisita sa kanila.

Pero sa dulo nito, hindi napaparusahan ng maayos ang mga nakamotor at nakakabalik sila lansangan. AT dahil nakakabalik sila sa pagmomotor, wala silang takot na lumabag sa batas.

Kung sana, ang mga nahuhuling loko magmotor ay natatanggalan ng karapatan magmaneho, di sana takot ang mga ito na gumawa ng kalokohan.

Sa katunayan, kung sana lahat ng loko magmaneho sa lansangan ay natatanggalan ng karapatan magmaneho, eh di sana, mas madali sila masuheto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon sumulat lamang sa [email protected] o [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending