PUSPUSAN ngayon ang pagpipilit ng gobyerno na gawing regular ang mga “endo” sa pri-badong kumpanya at i-naasahan nilang aabot ito ng 300,000 pagsapit nitong Disyembre.
Mabuti naman. Paano naman iyong mga endo sa mismong gob-yerno tulad ng mga nasa kategoryang “job order”, “pakyaw”, “emergency workers”, “project based”, “fixed term”, “casual” at “contractual”?
Mga taong gobyerno na gumagawa ng pisikal o mabibigat na trabaho tulad ng paglilinis sa opisina, pamamahala sa supplies at records, o-perator sa elevator, building maintenance o kaya’y pagiging utusan ng mga boss at iba pang opisyal pati sa personal. Ang iba naman ay encoders, courier, messe-nger at office assistants na walang karapatang magreklamo dahil anytime pwede silang tanggalin sa pwesto.
Napakaraming mga empleyado na walang “security of tenure”. Magwawakas na rin ba ngayon ang pagiging “endo” nila sa gobyerno?
Karaniwan ay sumusweldo ng mababa sa “minimum wage” at halos alipin kadalasan ng kanilang mga boss na pulitiko o mga supervisors. Mga P300 hanggang P400 sa bawat araw na mas mababa sa P512 minimum wage sa pri-badong sector.
Kundi man kinakatkong o bi-nabawasan sa kanilang sweldo, kadalasan ay kasama pa sila sa mga ghost payrolls ng mga tiwaling alkalde o ahensya.
Totoong karamihan sa kanila ay mga “poli-tical appointees” o koneksyon at walang “civil service eligibility” at hindi talaga mabibigyan ng “plantilla position”.
Kapag napalitan ang alkalde o kaya’y pinuno ng ahensya, sila ang unang-unang sinisibak, at di nare-renew ang kontrata. May mga kaso rin ng “sexual harassment” sa ganitong “endo” sa gobyerno lalo’t wala silang koneksyon at karamihan ay “kapit sa patalim”.
Pero, hindi ba sila tao? Paanong matatapos ng gobyerno ang isyu ng “endo” sa lipunan kung gobyerno rin mismo ang lumalabag?
Dapat nga ay maraming masibak at makulong na mga ma-yor o hepe ng mga ahensya ng gobyerno sa pagbalewala sa benepisyo ng mga j.o, casual, pakyaw, o mga contractuals, kahit napakalinaw ng regulasyon ng Civil Service Commission sa kanilang sweldo at benepisyo.
Pero sino ang mag-rereklamo? Ni hindi nga sila unionized dahil karamihan ay puro kapos sa “eligibility”. Turu-turo lang, tanggal ka na.
Magtataka kayo dahil ang iba rito’y umaabot ng 20 hanggang 30 years sa serbisyo at lumalaban kahit walang retirement benefits. Nakakaawa pero sa totoo lang dapat merong “compassion” o makatao ang kanilang mga “boss”. Ang kaso, iba ang nangyayari.
Malaking pondo ang pinag-uusapan dito. Sa panahon ni PNoy nong 2014, merong P9.6 bil-yon ang inilaan ng National government para sa mga 120,000 contractual workers nito samantalang P11.6 bil-yon naman ang ginastos sa outsourced labor tulad ng janitorial, environmental, sanitary at security.
Mas malaki rin ang ginastos ng mga local government sa 600,000 contractual workers nila na P13.83 bilyon noong 2014.
At ang malungkot, taun-taon hanggang ngayong Duterte administration ay walang nagbabago. Wala pa ring batas kung paano ang gagawin sa kanilang contractuals ng national at local government.
Bakit hindi na lang sila i-regular kahit hindi civil service eligible, lalo’t meron namang budget? Ito po’y problema na tanging mga senador o congressmen at si Pres. Duterte ang makakatugon. Ang mahirap lamang puro sila bulag, pipi at bingi sa pinabayaang “endo” sa loob mismo ng gob-yerno!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.