Stress sa trabaho, delikado | Bandera

Stress sa trabaho, delikado

AFP - June 11, 2018 - 12:01 AM

STRESSFUL ba ang iyong life?

Kung “oo”, magpa-checkup ka kaya at baka meron ka ng heart flutter o palpitation.

Ang heart flutter ay ang iregular na pagtibok ng puso na maaaring magresulta sa stroke, heart failure at iba pang seryosong problema sa kalusugan.

Pinag-aralan ng mga researcher sa School of Health and Welfare ng Jönköping University sa Sweden, ang 13,200 kalahok na may mga trabaho na walang atrial fibrillation, at hindi pa nakararanas ng heart attack o heart failure

Upang matukoy ang kanilang work stress, pinasagutan sa mga kalahok ang limang tanong kaugnay ng kanilang trabaho, anim na tanong kung gaano kalaki ang kontrol nila sa kanilang trabaho.

Ang work stress o job strain ay nangangahulugan na trabaho na psychologically demanding at nagbibigay ng konting kontrol sa mga empleyado gaya ng assembly line worker, bus driver, secretary at nurse.

Ipinakumpleto sa mga kalahok ang survey sa socio demographics, lifestyle, health at iba pang work-related factors.

Makalipas ang 5.7 taon, natukoy ng mga researcher ang 145 kaso ng atrial fibrillation.

Matapos ikonsidera ang iba pang factor gaya ng edad, kasarian, physical activity, paninigarilyo, high blood pressure at iba pa, natukoy na ang work-related stress ay nagpapataas ng 48 porsiyento ng atrial fibrillation.

Nang isama nila ang kanilang datos sa dalawang naunang pag-aaral, natukoy nila na tumataas ng 37 ang risk ng atrial fibrillation sa mga taong stressful ang trabaho.

Ang atrial fibrillation ay ang pinaka-ordinaryong heart rhythm disorder. Ilan sa mga sintomas nito ay palpitations, panghihina, fatigue, lightheadedness, pagkahilo at hirap sa paghinga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kondisyong ito ay nagreresulta sa 20-30 porsiyento ng stroke at nagpapataas ng tyansa ng maagang pagkamatay.

Nauna nang iniugnay ang work stress sa coronary heart disease.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending