Mukha ni KZ Tandingan ginamit sa mga binebentang cover ng cellphone sa China | Bandera

Mukha ni KZ Tandingan ginamit sa mga binebentang cover ng cellphone sa China

Reggee Bonoan |June 11,2018
facebook
share this

Mukha ni KZ Tandingan ginamit sa mga binebentang cover ng cellphone sa China

Reggee Bonoan - June 11, 2018 - 12:05 AM

DAHIL naging instant celebrity siKZ Tandingan sa China matapos makipaglaban sa Singer 2018, ginamit ang mukha niya sa mga ibinebentang cellphone cover doon kaya naman aliw na aliw siya.

“Nakakatawa nga, nakaka-proud sana nakakabenta naman sila. Ha-hahahaha! Sana talaga nakakatulong sa benta nila ‘yung pagmumukha ko,” tumatawang kuwento ni KZ sa ginanap na mediacon para sa upcoming concert niyang “KZ Supreme” sa June 22 mula sa Corncerstone Concerts.

Biro namin sana humingi siya ng royalty, “Hindi na. Buti nga ginamit nila mukha ko,” sagot ng dalaga.

Naikuwento ni KZ na nu’ng nagpunta raw sa Pilipinas ang producer ng Singer 2018 ay nagulat ito sa rami ng magagaling na singers base sa napanood niya sa audition.

“Bumilib nga ‘yung producer, sabi ang daming magagaling puwede ng gawan ng solong show. Kasi napanood nila during the audition ‘yung mga singer,” say ng Soul Supreme.

“Kasi ‘yung mga tao sa China parang sa Philippines din, sabik silang makarinig din ng iba, pero ‘yung heart nila mas malapit pa rin sa ballad,” aniya pa.

Ano na pala ang update sa pahayag ni Jessie J na gusto siyang maka-collaborate sa isang project? “Ay naku si bakla (birong sabi ni KZ)! Siyempre pag mga ganu’n hindi dapat bino-brought up baka isipin niya, ‘user tong batang ‘to’. Siyempre friendship-friendship lang muna. Pag sinabi niyang go, fly na ako, nandoon na ako kaagad,” tumatawang sabi pa ng dalaga.

Nabanggit naman daw ni KZ kay Jessie J na may concert siya, “Oo, ang kapal nga ng mukha ko, sinend ko pa ‘yung poster ko sa kanya, hoping na baka i-promote ni bakla. Ha-hahaha! In-invite ko pero huwag na tayong umasa.”

Hmmmm, si Jessie J ba ang sinasabing very surprise guest niya, “Naku, wag na nating pag-usapan ‘yan, huwag umasa may commitment yata.”

Baka naman dalawa ang special guests ni KZ, sina Jessie J at Coco Lee? “Jessie and Coco puwede pag wala silang taping ng Ang Probinsyano. Ha-hahaha! Jessy Mendiola at Coco Martin pala,” humagalpak na sabi ng dalaga.

Kasama rin sa show ni KZ sina Kyla, Gloc 9, Daryl Ong, Jason Dy, Inigo Pascual at Moira dela Torre, mula sa direksyon ni Johnny Manahan.

Makakasama rin dito ang boyfriend niyang si TJ Monterde na isa ring sikat na singer na sobrang kinulit daw ni KZ para mag-guest.

“Sabi ko, milestone ito sa career ko and it would be my honor if you allow me to sing with you on stage. Hayun, nakunsensiya siguro kaya pumayag,” say pa ng singer.

Hirit namin kung kailan nila planong magpakasal ni TJ, “We will get there in time. Pero I think you should marry when you’re ready,” mabilis nitong sagot.

Paano kung sa concert mismo ni KZ mag-propose si TJ, tatanggapin ba niya? “Bakit ko naman hihindian kung nandoon na baka magbago pa ang isip!

“Almost five years na kami, he courted me for a year, almost four years na kaming magdyowa. Sobrang thankful ako, he’s very understanding.

“Alam niya kasi, right now, priority namin ang aming mga career. Kasi nga, pareho kaming dalawa, we’re just starting. Gusto naming i-buildup muna nang i-build up yung careers namin.

“Sobrang understanding niya na minsan di ko na naiintindihan, feeling ko baka nagtatampo na siya na we don’t talk enough,” mahabang kuwento ni KZ.

Lalo na raw noong nakipag-compete si KZ sa Singer 2018 sa China, “When I was in China kasi, walang social media, ‘tapos nagtatapos kami mag-meeting alas-tres na ng umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Minsan nagpe-Facetime kami, nagbi-video call kami, nakakatulugan ko siya, ni hindi man lang ako nakakapagbabay.

“Pero sobrang naging understanding siya sa whole journey na ‘yun, never niyang ipinaramdam sa akin na nagkulang ako sa kanya as a partner. And I’m really thankful,” paliwanag pa ng Kapamilya singer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending