PH na-upset ang Brazil sa FIBA 3x3 World Cup | Bandera

PH na-upset ang Brazil sa FIBA 3×3 World Cup

Angelito Oredo - June 09, 2018 - 10:00 PM


AGAD nagtala ng upset win ang world ranked No. 19 Philippines matapos nitong gulantangin ang No. 6 ranked Brazil, 15-7, para sa unang laro nito Sabado sa 2018 FIBA 3×3 World Cup na ginaganap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nagtulung-tulong sina Roger Pogoy, Stanley Pringle Jr., Troy Rosario at ang may iniindang injury sa tuhod na si Christian Standhardinger para makapagposte ng 9-1 bentahe at hindi na lumingon pa.

Sinandigan ng all-PBA players team ang maaga nitong kalamangan para makuha ang importanteng unang panalo sa Pool C.

Gumawa ng tig-isang puntos sina Rosario at Standhardinger bago naghulog ng dalawang sunod na triple si Pogoy para sa 6-1 kalamangan. Umiskor ng dalawang puntos si Rosario at sinundan ito ng isa mula kay Standhardinger at dalawa kay Pringle para sa 11-2 abante ng koponan.

Nagtangka pa ang Brazil humabol sa natitirang limang minuto matapos lumapit sa 6-11 iskor subalit agad na inubos ng Pilipinas ang mga importanteng segundo sa paghulog pa ng huling apat na puntos upang ipalasap sa Brazil ang unang kabiguan sa torneo.

Sa pangalawa nitong laban sa Group C Sabado ng gabi ay natalo ang Pilipinas sa No. 11 ranked Mongolia, 21-17.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending