Iya Villania nagpaliwanag: Hindi ako type ni Will Dasovich!
NA-MISINTERPRET ang video sa vlog ng cancer survivor na si Will Dasovich na kuha sa isang music awards dahil sa pahayag nito kay Iya Villania na, “My dream before was to be your husband.”
Nagpaliwanag naman agad ang boyfriend ng cosplayer na si Alodia Gosiengfiao na inilabas din niya sa kanyang vlog na feel niyang maging kagaya ni Drew Arellano, ang asawa ni Iya, na isang kilalang travel show host.
Sa press launch ng season 4 ng hinu-host na cooking show nina Drew at Iya, ang San Miguel Purefoods Home Foodie, napaliwanag si Mrs. Arellano, “Hindi naman sa gusto niyang (Will) maging asawa ako. Gusto niyang maging Drew Arellano bilang isang travel host. ‘Yun lang ang ibig niyang sabihin.”
Biniro si Iya ng press na malamang na type rin siya ni Will, “Hindi niya ako type! Ha! Ha! Ha!” diin ng “Chika Minute” host sa 24 Oras.
“Ang ibig niyang sabihin…because I asked him, ‘What do you mean?’ Yun nga, in-explain niya na kasi nga, nung nanganak ako kay Primo, nainggit nga si Drew kasi mas longer yung bonding moments namin ni Primo.
“E, na-guilty siya, ‘tapos bigla siyang nag-post na, ‘I wanna end my travel show so I can stay here with my son.’ E, yung mga fans ni Will, yung mga fans and supporters niya were asking, ‘Hey, you might be interested…’
“Siyempre hindi nila alam na joke, o hindi totoo yung pinost ni Drew na aalis siya sa travel show niya. E, yung iba siguro na-excite na, ‘Wil, pagkakataon mo na ‘to,’” paliwanag pa ni Iya.
Hindi rin naman daw big deal ang video na ‘yon ni Will kay Drew. Lalo na nga’t expecting na sila ng second baby boy nila ng asawa at magiging younger brother ni Primo, huh!
Anyway, sa June 11 magsisimua ang latest season ng Home Foodie kung saan ipapatikim nila sa mga manonood ang kanilang “Madalicious” meals na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes after ng Unang Hirit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.