Ellen no show sa unang hearing ng child abuse, cybercrime case
No show ang sexy star na si Ellen Adarna sa unang hearing ng child abuse at cybercrime case na isinampa laban sa kanya ng magulang ng menor de edad na si Eleila Santos.
Dumalo sa hearing ang parents ni Eleila na sina Myra at Roel Santos, kasama ang kanilang legal counsel na ginanap nitong nagdaang Lunes sa Office of the City Prosecutor sa Pasig.
At para bigyan ng isa pang chance ang kampo ni Ellen na sagutin ang mga akusasyon sa kanya, nagtakda ang korte ng bagong hearing sa June 11.
Kung matatandaan, sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 7610 o Anti-Child Abuse Law at R.A. 10175 o Anti-Cybercrime Law si Ellen matapos mag-post ng video sa social media para hiyain si Eleila na inakusahan naman ng sexy star ng pagkuha ng photo at video nila ni John Lloyd Cruz nang patago sa isang restaurant sa Makati.
Bago ang pagsasampa ng kaso, hiniling ng magulang ni Eleila kay Ellen na mag-issue ng public apology sa ginawa nitong panghihiya at pambu-bully sa bagets, ngunit hindi ito pinakinggan ng girlfriend ni John Lloyd. Sa halip nag-post pa ito ng litrato sa Instagram habang nagpe-pedicure na tila pang-asar sa pamilya ni Eleila.
Nito nakaraang weekend ay pumanaw naman ang tatay ni Ellen na si Alan Modeso Adarna matapos ma-cardiac arrest. Nakaburol ang labi nito sa Cosmopolitan Memorial Chapels, Inc. sa Mandaue, Cebu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.