Sustento sa magulang gustong itigil | Bandera

Sustento sa magulang gustong itigil

Beth Viaje - June 01, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko sa probinsiya na nag-asawa na ako. Biglaan po kasi dahil nabuntis po ako ng boyfriend ko.

Dalawang taon na po ako dito sa metro manila at kada buwan ay nagpapadala ako sa kanila ng sustento. Baka po hindi na ako makapagpadala dahil naghahanda na rin ako para sa panganganak ko. Ako lang inaasahan ng mga magulang ko, pero parang iba na ang prayoridad ko ngayon.

Ano kaya ang dapat kong gawin? Tulungan mo naman po ako. Nalilito na kasi ako.
– Edith,
Mandaluyong City

Dear Edith,

Wala kang ibang magagawa kundi sabihin sa magulang mo ang totoo. Alangan namang mawala ka na lang basta at itigil ang sustento nila niho niha.

Siguro naman nasa edad ka na para magpamilya ng sarili.
So isama mo ang asawa mo sa probinsiya at ipakilala sa iyong mga magulang.

Mabuting may basbas pa rin nila ang inyong pagsasama. Tapos doon ninyo pag-usapan iyang problema mo.

Bigyan ninyo ng respeto ang magulang mo na makaharap ka at makita ang sitwasyon mo.

Ipaalam sa kanila ang problema mo, at alam kong mauunawaan nila ang iyong saloobin.

Sa kabilang banda, gaya mo ba talagang matiis ang iyong mga magulang, lalo na kung ikaw lang ang kanilang inaasahan?

Maari namang magbigay pa rin kahit hindi malaki, may maiabot lang kahit papaano. Hindi naman siguro nila hihingin lahat ng pinagkakakitaan ninyo.

Tandaan mo ang hindi nagdadamot sa magulang ay higit na pinagpapala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kausapin mo rin ang mister mo tungkol sa problema mo, malay mo, siya pala ay handang tumulong sa mga magulang mo. You never know.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending