SINABI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 15 iba pang miyembro ng teroristang grupong Maute ang sumuko sa gobyerno, dahilan para umabot na sa 42 ang bilang ng mga sumurender.
“I believe the support of the Maute-ISIS is waning because we have 42 surrenderers na ngayon…Ang nakikita namin is the support of the Maite is waning considering nakikita na natin na maganda ang nangyayari sa rehabilitation,” sabi ni AFP chief Gen. Carlito Galvez Jr. sa isang press conference sa Marawi City.
Idinagdag ni Galvez na ang mga ito ay “are known to the circles of the Mautes.”
Nauna nang sumuko ang 27 dating terorista sa gobyerno na iprinisinta pa ni Pangulong Duterte nang siya ay bumisita sa Marawi City noong isang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.