DILG kakasuhan ang mga kandidato sa barangay at SK na sangkot sa vote-buying | Bandera

DILG kakasuhan ang mga kandidato sa barangay at SK na sangkot sa vote-buying

- May 14, 2018 - 02:45 PM

KAKASUHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na naaktuhang namimili ng boto.

Sinabi ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na sasampahan ang mga kandidato sa Commission on Elections (Comelec)
kapag natapos na ang pangangalap ng ebidensiya laban sa mga sangkot sa vote-buying.

“Kaya’t ngayon lutang na lutang ito kaya nangangahulugan lamang na nagbabantay ang ating mga mamamayan ngayon,” sabi ni Diño.

Idinagdag ni Dino na nangangahulugan lamang ito na nagiging mapagmatyag na ang publiko.

“Saka kami naman sa DILG, ido-document ko lahat ng ito at mamaya dederecho ako ng Comelec at ipa-file na namin ang mga kaso na ipinakita sa akin, yung mga nireport sa akin na kanya-kanyang lugar sa Pilipinas,” dagdag ni Dino.

Sinabi ni Diño na ginagamit ng mga opisyal ang eleksiyon para sa barangay at SK elections bilang paghahanda para 2019 elections.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending