Pokwang bibigyang-pugay ang mga bagong bayani sa MMK | Bandera

Pokwang bibigyang-pugay ang mga bagong bayani sa MMK

- May 12, 2018 - 12:35 AM


MAGBABALIK-TELEBISYON si Pokwang matapos ang kanyang pagbubuntis sa espesyal na Mother’s Day episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi.

Tunghayan ang kwento ng inang si Azon na nagtatrabaho sa Italy. Para sa kanyang pamilya, gagawin niya ang lahat para lang matustusan ang kanilang pangangailangan.

Walang kamalay-malay ang kanyang mga anak na sina Tet (Empress) at Tot (Dino Imperial) sa hirap na kanyang dinadanas hanggang sa pumunta sila sa Italy at personal na nasaksihan ang kalagayan niya roon.

Masakit man ay ginamit ni Tet ang nasaksihan bilang motivation para magsikap at maiahon ang ina sa ganoong kalagayan.

Ngunit, isang dagok ang kakaharaping ng pamilya nang ma-stroke ang amang si Augusto (Jeric Raval) kaya naman napauwi si Azon ng wala sa oras para alagaan ang asawa.

Paano kaya nila hinarap ang pagsubok na ito? Ano ang gagawin ni Tet para makatulong sa pamilya?

Makakasama rin sa upcoming episode sina David Chua, Kim Molina, Hyubs Azarcon at Dang Cruz.

Ito’y sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat ni Mary Rose Colindres. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda dela Cerna.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending