Vice imbiyerna sa reporter: Bakit masyado kang apektado sa award ko? | Bandera

Vice imbiyerna sa reporter: Bakit masyado kang apektado sa award ko?

Alex Brosas - May 08, 2018 - 12:10 AM

VICE GANDA

KALIWA’T kanang lait ang inabot ng isang reporter who showed his dismay sa Dolphy award ni Vice Ganda sa forthcoming 66th FAMAS Awards.

Dismayado ang writer dahil hindi ang idol niyang si Vic Sotto ang binigyan ng nasabing parangal. Sinagot ni Vice Ganda ang issue.

“Una, Gorgy Rula di ko po kayo kilala at di ko po alam ang mga napatunayan nyo sa buhay kaya di ko din po alam kung bakit masyado kang apektado at di nyo po kayang irespeto ang FAMAS, ang mga tao sa likod nito at ang kanilang desisyon.

“Pangalawa, halatang di ka po masaya para sa aking tagumpay. So nag isip po ako kung paano kita mapapasaya. E kung gumawa ka na lang ng sarili mong pa-award para ikaw ang masunod tapos magiisponsor ako ng pambili mo ng trophy magiging happy po ba kayo?

“Kung masyadong abala nman para sa inyo ang paggawa ng sarili mong pa-award e ganito na lng po. Attend po kyo ng FAMAS sa June 10 tapos pag akyat ko po ng stage at makapagpasalamat e tatawagin kita para iabot sayo ung trophy para ibigay mo kung kanino mo gustong ibigay. Keri ba un?”

Sa kanyang Twitter account ay pinatutsadahan ang reporter for slamming Vice Ganda’s achievemnent.

“Sigi Vice supalpalin mo sila lahat, they are not satisfied kung sino nanalo, gusto nila ang idol lang ang manalo. Para walang satisfaction sa buhay kung ano mayroon buo tanggapin wag nang siraan kng sinuman ang nanalo.”

“Supalpal ka noh! Wag kasi ang meme Vice Ganda namin! Wag kang ano! Sa Super Idol namin napunta ang FAMAS Award dahil deserve nya yun at hindi sa kung ano pa mang mga NEGA nyong dahilan! Pampam ka, tse!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending