Arci Muñoz inupakan sa 'pak you all' hugot: Bastos daw, walang breeding Bandera

Arci Muñoz inupakan sa ‘pak you all’ hugot: Bastos daw, walang breeding

Cristy Fermin |May 08,2018
share this

Arci Muñoz inupakan sa ‘pak you all’ hugot: Bastos daw, walang breeding

Cristy Fermin May 08, 2018 - 12:01 AM

ARCI MUÑOZ

NAKAKALOKA si Arci Muñoz, ipinaglihi na rin sa patola. “Pak you all!” naman ang kanyang ganti sa mga nagkokomentong nagpapa-cute siya sa seryeng pinagtatambalan nila ni Piolo Pascual.

Sabi pa ni Arci ay inggit na inggit lang daw ang mga pumapansin sa acting niya dahil wala silang Piolo Pascual na ka-partner. Ganu’n ang arya ni Arci.

Kung nananahimik nu’n si Arci sa mga pumupuna sa kanyang itsura na ibang-iba na dahil sa hilig niyang magparetoke ng mukha ay hindi niya napigilan ang pakikialam ngayon ng kanyang mga bashers sa role niya sa serye.

‘Yun daw kasi ang kanaturalan ng role na ipinagkatiwala sa kanya, alangan naman daw na kontrahin niya ang script, samantalang artista lang naman siya sa palabas at hindi niya kontrolado ang daloy ng kuwento.

Dahil sa komento niyang “Pak you all!” ay umani ng mga pagpuna at upak ang dalaga, bastos daw siya, walang breeding, kaya kung makapagkomento siya ay ganu’n na lang, pabastos din.

Paminsan-minsan ay nasisilip namin ang seryeng pinagtatambalan nila ni Piolo, okey naman ang dating ni Arci, alam mong ganu’n ang pagkakapakete sa papel na ginagampanan niya.

Parang tactless na parang nagpapa-cute kay Piolo, nag-iinarte siguro ang dating nu’n para sa iba, pero kung ‘yun ang kanyang packaging ay hindi niya puwedeng baguhin ang kanyang acting.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending