PH kailangan daw ng $12M para sa Miss U 2018
MAHIGIT 12 million US dollars ang kailangan para muling idaos sa Pilipinas ang Miss Universe beauty pageant ngayong taon.
Ang tanong, tapos na kaya ang pakikipagnegosasyon ng Department Of Tourism sa Miss Universe Organization para dito muling ganapin ang pinakaaabangang international pageant?
Kung matatandaan, ibinalita kamakailan ni Toursim Secretary Wanda Teo na nakikipag-usap na sila sa kinauukulan para ikaapat na pagho-host ng bansa sa Miss Universe. At nais daw niya na gawin ang preliminaries ng pageant as Boracay.
“Ang gusto kong tagline, ‘the most beautiful island in the world welcomes the most beautiful women in the universe,'” aniya sa ginanap na presscon noong April 26 sa Boracay, ang mismong araw na isinara ang isla sa mga turista para bigyang-daan ang 6-month rehabilitation nito.
“We need $6 million for the rights, and another $6 million for the accommodations, flights, logistics, but all those can be shouldered by sponsors,” sabi pa ni Teo.
Si Binibining Pilipinas-Universe Catriona Gray ang magiging representative ng bansa sa 2018 Miss U.
Nitong weekend, muling pinag-usapan sa social media ang Miss U dahil sa pagdating ni reigning Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa at ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France sa Pilipinas. May mga special events daw na pupuntahan ang dalawang beauty queen sa bansa kasama si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Pero may mga netizens ang nagsabi na posibleng paghahanda na ito para sa 2018 Miss U sa Pilipinas.
Noong January, 2017 huling ginanap ang nasabing pageant sa Pilipinas. Dito rin isinagawa ang Miss U noong 1974 at 1994.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.