Writer ng GMA napikon: Di namin binaboy ang kulturang Pinoy! | Bandera

Writer ng GMA napikon: Di namin binaboy ang kulturang Pinoy!

Alex Brosas - May 05, 2018 - 12:30 AM

SUZETTE DOCTOLERO

NAPIKON si Suzette Something sa puna sa isang teleserye ng GMA 7 about one scene na palpak ang execution.

“Hoy nurse!!! CPR Chest compressions skills level -45! Hahaha,” wrote a certain Yuson last April 30.

“CPR ba yan teh or spirit of the glass? Tas yung doktor mahiyain nagtatago pa sa likod silip silip lang doc? Pagod? Ayoko na sa earth!!!” said one guy.

Obviously miffed, sinagot ito ni Suzette sa kanyang social media account.

“Irrelevant, your honor. Wala pong cultural misappropriation at walang naganap na pambababoy sa ating cultural identities dito sa maling CPR ni ateng talent nurse.

“Kung ganito kababaw ang gustong argumento, puwede ko ring ibato ang marami ding directorial booboos na naganap dyan pero no, di ko gustong puntahan ang level nay na iyan lalo’t alam kong halos 24 oras na nagtatrabaho ang production people ng lahat ng network so hindi maiaalis na magkaroon talaga ng ganyang palpak sa kahit saang show, sa kahit saang channel.

“Don ‘t use this para ideflect ang issue. Mas on na sa akin ang palpak na CPR ni ateng kaysa gawing katatawanan ang kultura. Ayusin ang argumento bago sumabak sa gyera. Isip pa. Huwag shallow and petty. Stand ko ito as a Filipino.”

Naging laughing stock tuloy si Suzette para sa ilang netizens dahil sa kanyang sagot. And not surprisingly, na-bash siya nang husto.

“Hahahaha! Daming kuda na naman nya eh talaga naman katawa tawa yung nurse.”

“Siguro kapag umalis/tinanggal tong babaeng to sa GMA, magkakaron ng chance magbago (for the better) ang mga shows nila. Masyado ka nang toxic Madam.”

“Suzette, mind your own business kasi. From time to time nakikisawsaw ka sa serye ng kabila. Wrong way of promoting your own serye. Focus ka sa bakuran niyo para happy happy lang.”

“Nanonood siya ng Bagani pero hindi siya nagbabasa ng disclaimer sa umpisa every episode kaya hindi niya gets na fiction ang show.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“True. FICTION ang Bagani, not based on historical facts and true story. Anyare? Para na ring sinabi na ang Lord of the Rings ay may cultural misappropriation rin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending